June 16, 2025
Does Joel Lamangan complain about tiring scenes
Latest Articles

Does Joel Lamangan complain about tiring scenes

Jul 18, 2018

Naidirehe na noon ni Eduardo Dayao si Direk Joel Lamangan sa pelikulang “Violator” na naging kalahok sa 2014 Cinemaone Originals.

Ngayong taon, balik sa pag-arte ang magaling at multi-awarded na director sa Cinemalaya movie na “School Service” ni Louie Ignacio.

Ayon pa kay Direk Joel, parehong enjoy siyang katrabaho ang dalawang direktor kahit magkaiba pa ang kanilang pinagmulan: si Dodo Dayao ay isang kritiko samantalang si Direk Louie ay nagsimula sa paggawa ng mga MTVs.

“Iba’t iba naman ang director. Iba ang atake ng bawat direktor. Iba’t-iba ang karanasan. Iba’t-iba sila. Pareho silang mahusay sa sarili nilang kakayahan. Mahusay na director si Direk Louie at si Direk Dodo,” sey niya.

Hirit pa niya, hindi raw siya nagreklamo kay Direk Louie sa mga nakakapagod na eksena kung saan kailangan siyang tumakbo nang paulit-ulit sa isang tulay sa Maynila kahit pa siya ay sumailalim na sa bypass operation noong nakaraang taon.

“Aba, mabait akong artista. Sinabi ko nga sa kanya, ngayon lang ako tumakbo sa tanang buhay ko,” pakli niya.

Hindi rin daw siya humingi ng insurance kahit medyo delikado ang gagawin niya.

“Naku, hindi na kailangan. Ako naman, kaibigan ko naman ang lahat. Kaibigan ko si Direk Louie. Kailangan ko namang tumakbo sa eksena, hindi ako puwedeng lumakad,” aniya.

Bilang isang director, halos lahat ng ginagawang pelikula ni Direk Joel ay mayroong social commentary, pero hindi raw niya ito ni-require kay Direk Louie.

“Artista lang ako. Iyong pelikula mismo is a social commentary by itself. A commentary of our system, na may mga batang ganoon, may mga batang kinikidnap, may mga batang sangkot sa prostitusyon, pagnanakaw at sa illegal na droga,” paliwanag niya.

Kapatid ni Ai Ai delas at anak ng character actor na si Joe Gruta na sangkot sa sindikato ng kidnapping at prostitusyon ang role ni Direk Joel sa “School Service.”

received_10216332781262578

“Isa siyang baklang goon. Baklang demonyita,” pakli niya.

Hindi rin daw siya nababahala na magbigay ng hindi magandang ehemplo sa mga kabataan ang kanyang role.

“Okey lang na sabihin nilang malaswa ako. Malaswa naman akong totoo at hindi ko naman itinatago. May kalaswaan din naman ako. Lahat naman ng tao, may kalaswaan. Pati si Direk Louie, may kalaswaan siya sa sarili niyang pamamaraan. Ako rin naman. Tao lang tayo, meron tayong laswa, meron tayong kalakasan at meron din tayong kahinaan,” makahulugan niyang pahayag.

Aminado rin siyang may simulated BJ scene sila ni Kevin Sagra, ang Kapuso actor na gumaganap na lover niya.

Nilinaw naman niya ang isyung na-intimidate sa kanya ang mga child stars na kasama at kaeksena niya sa pelikula.

“Hindi naman na-intimidate. Ang mga bata kapag umakting, talo ka riyan, kahit gaano ka kasanay. Si Marlon Brando nga, talo sa Godfather ng mga bata. Mahirap kasi ang mga bata. Ang mga bata, tunay ang emosyon nila. Totoo iyong ginagawa nila,” esplika niya.

Naniniwala rin siyang bilang isang direktor, tungkulin niyang maging instrumento ng pagbabago o tagapagmulat ng katotohanan sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang medium na pelikula.

“Ang pelikula ay tungkulin na salaminin kung ano ang nangyayari sa paligid, dahil ang pelikula ang tema ay buhay ng tao at iyon ang nangyayari sa paligid. Ang bawat kuwento ay dapat sumasalamin sa katotohanan at hindi lang nagpapatawa o nagpapaiyak dahil ang sining ang kaluluwa ng bansa, so dapat ipakita iyon,” pagwawakas niya.

Bukod sa Comedy Queen na si Aiai delas Alas tampok din sa “School Service” sina Celine Juan, Therese Malvar, Felixia Dizon, Joe Gruta, Kenken Nuyad, Kevin Sagra, Santino Oquendo at Ace Café.

Leave a comment