May 23, 2025
Joel Lamangan praises Ken, Barbie
Latest Articles

Joel Lamangan praises Ken, Barbie

Oct 23, 2017

Si Direk Joel Lamangan ang direktor ng pelikulang “This Time I’ll Be Sweeter” mula sa Regal MultiMedia Inc., na pinagbibidahan nina Ken Chan at Barbie Forteza.  

Puring-puri ni Direk Joel sina Ken at Barbie na first time niya lang nakatrabaho.

“Dito makikita yung other aspect ng kanilang talent. Dito na-test ang kanilang dramatic prowess. Na-discover ko na mahusay silang dramatic actor. Isa sila sa mga pinakamahusay na dramatic actors of their generation.  At tuwang-tuwa ako kasi nakatrabaho ko sila. Imagine, naka-trabaho ko sina Ken Chan at Barbie. I’m so proud.”

Kilala si Direk Joel bilang isang terror na direktor, na naninigaw at nagmumura sa set. Pero for the first time, ay wala siyang napagalitan sa cast ng pelikula.

received_10214080900366963

Katwiran niya, ”Mahuhusay sila na artista. I’m so proud. Lahat ng nandito, wala akong itulak-kabigin. Ito lang ang pelikula na wala akong napagalitan.  Wala akong nasigawan. Dahil siguro takot sila. Dahil prepared sila sa kung ano ang ine-expect sa kanila . Dahil on time sila, walang nale-late. May respeto sila sa trabaho nila. May respeto sila sa trabahong kanilang pinili.  Maaga pa lang, mahusay na ang training nila.

“Nakikita natin  ang isang magandang kinabukasan ng indutriya ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan nila.”

Isa si Direk Joel sa pinaka-busy na direktor noon at hanggang ngayon.

Sunod-sunod ang paggawa niya ng pelikula.  Hindi siya nawawalan ng offer.

In fact, bukod sa This Time I’ll Be Sweeter ay natapos na rin niyang gawin ang Bes and the Beshies na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas. Kasalukuyan din niyang ginagawa ang The Significant Other, na bida sina Lovi Poe at Erich Gonzales.

Siya rin ang direktor sa katatapos lang na musical play na “Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag.” So, sa dami ng trabaho at ginagawa ni Direk Joel, nahihiga na ba siya sa salapi?

“Hindi totoo,” natatawang sagot niya

“Dapat ay hindi na ako nagtatrabaho.”

Showing na sa November 8 ang This Time I’ll Be Sweeter.

Tampok din sa pelikula sina Ara Mina, Neil Ryan Sese, Yayo Aguila, Kim Rodriguez, Hiro Peralta, Akihiro Blanco, Jai Agpangan, Kaki Ramirez, at marami pang iba.

 

Leave a comment