May 22, 2025
Joem Bascon loves the complexity of his role in “Siphayo”
Latest Articles

Joem Bascon loves the complexity of his role in “Siphayo”

Sep 26, 2016

Character at plot-driven ang role ng magaling na actor na si Joem Bascon sa erotic drama-thriller na  “Siphayo” ni  Direk Joel Lamangan.

“I love the complexity of  my character. Manipulative kasi siya in the sense na aakalain mo inosente siya pero hindi pala siya inosente. May mga sikreto siyang itinatago towards the family,”  bungad ni Joem.

joem-bascon

Hindi raw naman ‘black sheep” ang role niya bilang bunsong anak ni Allan Paule sa pelikula.

“Actually, takot siya sa magulang niya. Walang ‘black sheep’ sa pamilya. Mahal na mahal lang niya ang kanyang nanay and at the same time, nagkaroon siya ng affair sa kanyang stepmom, pero hindi nila alam na magka-partner na pala sila bago pa man kinuha siyang private nurse ng family. It’s more of a revenge for me,” paliwanag niya.

Ayon kay Joem, kailangan daw ang mga maiinit na eksena sa pelikula ni Nathalie Hart dahil kasama ito sa istorya ng pelikula.

“Kailangang ipakita iyong passion , iyong lust, iyong pagmamahalan. Iyong pagiging incestual noong relationship ng mga characters. It tackles more kasi sa relationship sa pamilya na puwede palang mangyari sa lahat. Napaka-simple lang bagay pero sa  isang iglap, puwede palang mawala ang lahat,” aniya.

Dagdag pa ni Joem, hindi na raw bago sa kanya ang nudity at butt exposure at gagawin niya ito as long na kailangan sa istorya.

Naging kontrobersyal at pinag-usapan ang romansa nila noon sa pelikula ni Jake Cuenca sa  gay-themed na “Lihis” na si Direk Joel Lamangan din ang nagdirek kaya gamay na niya ang pakikipagtrabaho sa premyadong director.

“Si Direk naman, ilang beses ko na siyang nakatrabaho kaya kabisado ko na siya. Nahirapan ako sa “Lihis” pero nahirapan din ako sa “Siphayo”. Mahirap gumawa ng love scene. Para siyang action scene. Lalo pa’t iyong sa amin ni Nathalie sa maisan, sa open space pa. Maraming nanonood at mainit dahil sa lights at pati na sa araw,” deklara niya.

Ayon pa kay Joem, wala raw namang pagkakaiba iyong pakikipag-love scene niya sa isang babae o sa kapuwa niya lalake sa pelikula.

“Pareho silang mahirap. Nahirapan ako sa paghuhubad lalo na’t maselan iyong tema na tinatalakay ng pelikula,pero ang iisipin mo na lang ay actor ka at trabaho lang ang lahat ng ginagawa mo dahil may obligasyon ka sa mga viewers mo sa bawat role na ginagampanan mo,” sey niya.

Masaya rin si Joem na naiku-consider siya sa mga roles na bihira nang ginagawa ng mga actors dahil  nagre-require ng hubaran na para sa kanya ay nangangailangan ng ‘guts’.

“Happy ako dahil lahat ng genre, nagagawa ko. Action, sexy, comedy na dapat na matutunan ng mga young ones na dapat na pinagdadaanan nila lalo na sa mga institusyon natin sa industriya na dapat ay natra-try nila,” ani Joem.

Naniniwala rin siya na hindi mawawala ang sexy o bold movie sa industriya ng pelikulang Pilipino.

450-siphayo-joem-nathalie-l

“Part na siya ng industry. Hindi na mawawala ang sexy dahil parang gulong siya na umiikot na nag-iiba lang depende sa pangangailangan,” pagtatapos niya.

Bukod sa “Siphayo”, kasalukuyang ginagawa ni Joem ang “Kasunduan” sa direksyon ni Lawrence Fajardo at “Across the Crescent Moon” ni Baby Nebrida.

Photos courtesy of Erickson dela Cruz

Leave a comment