May 22, 2025
Joem Bascon one of the busiest actors this year
Latest Articles

Joem Bascon one of the busiest actors this year

Oct 26, 2019

Happy si Joem Bascon dahil sa mga huling buwan ng taon ay humahataw ang kanyang career dahil may Cinemaone Originals movie siya, dalawang MMFF entries at bida sa pelikulang “The Annulment” kasama ang Primera Aktresang si Lovi Poe.

Ang  “The Annulment” rin daw ang pelikula niyang pinakamarami ang love scenes na nagawa niya.

Gayunpaman, tastefully executed daw ang kanilang mga eksena ni Lovi at very integral daw ang love scenes nila sa istorya ng pelikula.

“Kasi, it’s about a couple na passionately in love and decided to get married. Dumaan sa iba’t-ibang tests ang marriage nila hanggang sa falling out at doon sa attempt to save the marriage. Merong mga love scenes sa kitchen, sa swimming pool, sa floor. Iba’t-iba iyong love scenes depende sa stages na pinagdadaanan ng kanilang marriage,” aniya. 

“Kailangan iyong mga love scenes for you to believe na in love talaga iyong mga character, may lustful, may passionate, may cold,” pahabol niya. 

Masuwerte rin daw siya dahil personal choice siya ni Lovi na maging leading man sa movie.

“ Actually, I feel  blessed na ako ang kanyang pinili,” pakli niya.

Nagpapasalamat din si Joem na noong ginawa nila iyong mga love scenes  ng kanyang kapareha ay physically fit  siya.

“Actually noong time na iyon, medyo fit pa ako, so hindi ko na kailangang mag-work out at happy naman ako at sobrang saya na nagawa namin,” pahayag niya.

Hindi rin daw big deal sa kanya ang pagpapakita ng puwet o butt exposure sa pelikula dahil  nagawa na niya ito sa mga nakaraang pelikula niya. Katunayan, nagkaroon na siya ng frontal nudity sa isang indie movie.

“Parang iilan na lang kaming gumagawa nito. I’m happy na meron pa akong work, kahit pinakita ko na ang kaluluwa ko. Kung may script na magre-require muli, why not? Basta kailangan siya sa istorya,” hirit niya. 

Dahil nakatrabaho na niya si Lovi sa ibang proyekto, naging kumportable na raw sila sa isa’t-isa.

“I’m just happy na magkakilala na kami at nasa same age kami and pareho kami when it comes to maturity namin sa showbiz. At saka, sa mga gatherings, we get to see each other at we get to bond even with my girlfriend,” kuwento niya.

 Nilinaw naman niya na kahit nagli-live in na sila ng girlfriend na si Chrisha Uy ay nananatiling hindi pa sila engaged contrary sa rumors na lumabas.

“When it comes to kasal and settling down, hindi pa. Ang dami pa naming ginagawa sa kanya-kanyang larangan. Hindi pa kami umabot sa punto na engaged . Wala pang proposal. Siguro, nagkaroon lang ng ganoong notion dahil nagkaroon ng time na dictated ng mga tao na parang magpro-propose na ako. Actually, napag-uusapan namin pero hindi pa talaga,” paliwanag niya.

Happy naman siya dahil supportive si Chrisha sa kanyang career in the same way na suportado rin niya ang lahat ng endeavours nito.

Hirit niya, wala pa rin daw sa isip nila ang magkaroon ng baby.

“We’re enjoying whatever na meron kami. Wala munang baby kasi iba eh, may kanya-kanya kaming work,” ani Joem.

Para kay Joem, naniniwala siyang malaki rin daw ang papel ng sex o pakikipagtalik sa success ng   samahan ng isang couple.

“Sex is one way of showing your love. Physical attraction is still attraction. Siyempre, nagkakaroon ng problema sa isa’t-isa kung hindi ka na attracted o naa-arouse sa isa’t isa. It’s really a big part of the relationship,” pagwawakas niya.

Papel  ni Sherwin, isang college dropout na umibig sa isang babaeng nakaririwasa sa buhay ang role ni Joem sa pelikulang The Annulment.

Mula sa produksyon ng Regal Entertainment at sa direksyon ni McArthur Alejandre, kasama rin sa cast ng pelikula sina Myrtle Sarrosa, JC Tiuseco, Laura Lehmann, Dianne Medina, Erika Padilla, Nikka Valencia, Manuel Chua, Nico Antonio, Matt Daclan, Jon Leo, Naya Amore, Johnny Revilla at Ana Abad Santos.

Leave a comment