May 23, 2025
Latest Articles Movies

Joem Bascon talks about the importance of loyalty in “Heneral Luna”

Sep 2, 2015

11017703_1585089325039131_8154074698661035289_nJoem Bascon’s up for another challenge sa kanyang pinakabagong pelikulang “Heneral Luna.”

“I play the role of Colonel Paco Roman. Kanang kamay ni Heneral Luna. Dalawa kami ni Archie (Alemania) who plays Captain Eduardo Rusca. Isa siya sa naging hero ng battle of Caloocan.”

Gaano ka-importante si Paco Roman sa buhay ni Heneral Antonio Luna?

“Si Heneral Luna kasi impulsive at abrupt siyang magalit. Yung emotions niya, hot tempered siya na siya niyang kahinaan. Ako iyong nagpapakalma sa kanya kasi isa siya sa mga loyal na tauhan ni Luna.”

Ano ang mga hurdles mo o mga pinagdaanan mo habang ginagawa ang Heneral Luna?

“Sa panglahat kasi, general hardship siya for everyone. From the location pa lang, napakainit. Sa open field siya sa Tarlac. It took us three shooting days na lagi kaming nakabilad sa araw. Kahit na naka-full battle gear kami, medyo sunburn, tiis lang kasi gusto naming mapaganda at maging makatotohanan ang pelikula,” paliwanag niya.

Ano ang natutunan mo sa pagganap bilang Paco Roman?

“Siguro, iyong kahalagahan ng pagiging matapat o loyal. Kahit ano pa ang ipinaglalaban noong tao, susuportahan mo siya kung naniniwala ka sa mga adhikain at mga prinsipyo niya,” aniya. “Marami rin tayong mga unsung heroes sa Pilipinas na hindi kilala tulad ni Paco Roman. Sa pamamagitan ng pelikula, doon natin malalaman na may Paco Roman pala na tumulong kay Heneral Luna sa kanyang pakikibaka,” pahabol niya.10460679_1511887372359327_6202174920868290103_n

Para sa iyo, isa bang bayani o isang tulisan si Heneral Luna?

“Isa siyang bayani. Bayani na radikal ang pamamaraan. Kung may pinapatay man siya, may ipinaglalaban siya para sa bayan at sa prinsipyo niya sa buhay.”

Maliban sa “Heneral Luna,” abala rin si Joem sa toprating teleseryeng “Pangako Sa’Yo” bilang Caloy Macaspac na very crucial ang character sa takbo ng kuwento ng mga Macaspac at Buenavista.

Dagdag pa niya, pareho siyang nag-eenjoy sa paggawa ng TV series at mga indie films.

“Pareho silang fulfilling sa akin. Ang TV, ang reward mo ang suweldo mo dahil mas malaki ang talent fee. Yung indie film naman parang food for the soul, para sa craft mo. Kung may inaasam ka na fulfillment na lumawak pa ang range mo bilang aktor, doon ka sa indie,” pagtatapos ni Joem.

Ang “Heneral Luna” ay nagtatampok kay John Arcilla in the title role.

Kasama rin sa all-star cast sina Arron Villaflor, Mon Confiado, Bing Pimentel, Mylene Dizon, Perla Bautista, Lorenz Martinez, Alvin Anson, Alex Medina, Art Acuna, Archie Alemania, Epy Quizon, Leo Martinez, Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, Ronnie Lazaro at maraming iba pa. May natatanging partisipasyon rin si Paulo Avelino.

Mula sa produksyon ng Artikulo Uno at sa direksyon ng premyadong director na si Jerrold Tarog ( kilala sa kanyang Camera Trilogy), ang “Heneral Luna” ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan simula sa Septiyembre 9.

Leave a comment

Leave a Reply