
Joey Albert battles cancer once again
Compiled by PSR News Bureau
Marami ang nagulantang sa post ng Facebook Fan Page ng pamosong mang-aawit na si Joey Albert matapos mabasa ng mga kaibigan at followers niya sa kanyang official Facebook account na kumpirmadong bumalik ang kanyang colon cancer.
Ayon sa nasabing post: “Joey’s medical tests confirmed that her colon cancer had recurred. Please join us, her Facebook administrative team, in praying for her successful surgery on March 27. Let’s claim another victory over cancer…”
Matatandaan na noong taong 1995, nakipaglaban na si Joey Albert sa sakit na cervical cancer. Taong 2003 naman nang ma-diagnosed ang singer na may colon cancer, isang sakit na naging dahilan nang pagkamatay ng kanyang ama at isang kapatid na babae.
Si Joey Albert ay isang cancer survivor na patuloy na lumalaban sa kanyang karamdaman sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kanya, gayundin sa dasal ng kanyang mga kaibigan at fans.
Matagal nang lumalaban sa kanyang sakit ang singer sa likod ng mga sikat na awitin gaya ng “Tell Me,” “Points Of View,” “Ikaw Lamang Ang Mamahalin,” “I Remember The Boy,” at marami pang iba. Kilala ring kompositor nang mga kanta si Joey Albert. Matagal na rin siyang naka-base sa Vancouver, Canada magmula nang siya’y mag-asawa at magkaroon ng pamilya.
Dasal ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ang mabilis na paggaling ni Ms. Joey Albert.