May 22, 2025
Joey Albert is grateful to be given a third chance in life; stages Valentine concert  by PSR News Bureau
Faces and Places Home Page Slider Latest Articles Music

Joey Albert is grateful to be given a third chance in life; stages Valentine concert by PSR News Bureau

Feb 3, 2016

by PSR News Bureau

joey albertNaririto ngayon sa bansa ang pamosong singer na si Joey Albert at humarap ito sa mga miyembro ng media kamakailan kasama na ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) dahil mayroon itong isang pagtatanghal para sa nalalapit na Valentine’s day. Ayon kay Joey, sobrang na-miss daw niya ang bansa at ang pagtatanghal kaya naman masaya siya na nabigyan siyang muli ng pagkakataon upang muling makapag-perform.

Matatandaan na makailang beses nang napabalita na nagkasakit si Joey at patuloy na lumalaban sa sakit na cancer. Matagal rin siyang nakikipaglaban sa kanyang naging karamdaman. Pero malakas at matatag ang loob ni Joey at hindi ito basta magpapagupo sa kanyang sakit. Ikatlong pakikipaglaban na nga ito ni Joey sa kanser. Buong pagmamalaki ni Joey na ang dalawang beses na pakikipaglaban sa kanyang sakit ay napagtagumpayan niya sa tulong ng kanyang mga kaibigan, kamag-anak at mga mahal sa buhay. Sa palagay ba niya ay nanalo na siya sa kanyang mga laban?

“I can say that the battle is faithfully won. It might come again but I know how to fight it even better,” sabi ni Joey.

“The battle with cancer is really within you,” saad ng singer ng awiting ‘Tell Me.’ “It’s really within yourself. It’s how you carry yourself. Everybody has the same cancer, it might come in different forms.”

Kumusta na ba si Joey? “Medically, things have become more difficult for me. This [ikatlong cancer niya] is far more difficult than the last one. First one, was very early stage. The second one, was in the colon, ” paliwanag ng 55-year-old singer.

Sa ngayon daw ay nakabantay at mino-monitor ng mga doktor ni Joey ang kanyang pancreas.

“Victorious but still cautious,” ang pagsasalarawan ni Joey sa kanyang pakikipaglaban sa cancer.

Joey-Albert-1BTaliwas sa ibang taong tulad niyang may karamdaman, hindi daw niya kinuwestiyon ang Diyos kung bakit siya ang recipient ng nasabing mga sakit. “I never asked God why.You know, you will end up disappointing yourself because you will never know why. The challenge is for you to discover why along the way. He gives you life, He gives you time to discover.”

Ayon pa kay Joey, sinikap niyang magpakatatag dahil alam niya sa kanyang sarili na makakaya niya itong labanan. Tanging panalangin at paniniwala sa Diyos ang siyang naging susi ng kanyang paggaling.

Masigla si Joey nang ianunsiyo rin nito na mayroon siyang concert na pinamagatang Celebrate Love na gaganapin sa The Theater at Solaire sa mismong araw ng mga puso, February 14. Makakasama niya rito ang singer-composer ng awiting “Of All The Things” na si Dennis Lambert.

Sinisiguro ni Joey na mage-enjoy ang mga manonood ng concert niya. “You will expect to fall in love again. Dennis Lambert is a very famous composer with popular songs in the ’70s.

“We will be bringing back those songs and we’ll transport you back when those songs meant anything to you.”
Bukod sa kanyang mga sikat na awiting ‘I Remember The Boy,’ ‘Memories,’ at ‘Ikaw Lang Ang Mamahalin,” kabilang din sa repertoire ni Joey ay ang Bruno Mars medley.

Mabibili ang tickets ng Celebrate Love sa Ticketworld (8919999) at Artist House (815-1953/09052706823).

Leave a comment

Leave a Reply