
Joey Albert thanks her fans, friends and loved ones
by PSR News Bureau
Nitong nakaraang Marso lang ay naibalita namin dito sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na sumailalim muli sa isang operasyon ang singer na si Joey Albert na maituturing na isang inspirasyon dahil siya ay isang cancer survivor. Noong mga panahon na iyon ay kailangang-kailangan ni Joey ang ating mga panalangin. Dalawang beses nang nakipaglaban ang mangaawit sa traydor na kanser. Noong taong 2005 una nang nabalita na nagkaroon ng cervical cancer ang pamosong singer. Matapos naman ng matagumpay na gamutan ay gumaling naman si Joey. Ngunit nitong taong 2003 naman ay na-diagnosed siya na mayroong colon cancer na siya naming ikinasawi ng kanyang sariling ama at isang kapatid. Mula noon ay tuloy-tuloy na gamutan ito para kay Joey Albert.
Bilang follow up sa balitang ito, nag-post si Joey Albert sa kanyang personal na Facebook account kung saan may mensahe ng pasasalamat para sa lahat ng kanyang mga kaibigan, fans, kababayan at ang mga taong tumulong sa kanya sa pagdarasal para sa kanyang kaligtasan at mabuting kalagayan.
“My dear friends, Nais ko lang magpasalamat sa walang sawa ninyong dasal at pagmamalasakit sa akin. Patawad at hindi ko na nasagot lahat ng mga message niyo… Pero asahan niyo na binasa ko ang bawa’t isa. Your prayers and kind messages brought me so much joy and cheer and hope through these trying times. I am so blessed to have you all. God bless you all for your love and support. Always, Joey.”
Si Joey Albert ay isang sikat na mangaawit at kompositor noong dekada 80’s. Siya ang singer sa likod ng mga madamdaming awitin gaya ng “Tell Me,” “Points of View,” “Ikaw Lang Ang Mamahalin,” “I Remember The Boy,” at marami pang iba. Malaki ang naiambag ni Joey sa larangan ng OPM dahil hindi lang ito magaling na singer kung hindi isa rin itong kompositor.
Matagal na panahon na rin magmula ng ito’y nag-migrate na sa Vancouver, Canada kung saan pinili nitong manirahan kasama ang kanyang asawa at mga anak.
Kay Ms. Joey Albert, nawa’y patuloy kang lumaban at magpakatatag sa iyong paglaban sa karamdaman. Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), patuloy rin ang aming pagdarasal sa iyong mabilis na paggaling.