May 23, 2025
Johannes on kissing male star in a series: If magki-kissing scene lang para pag-usapan, ayaw ko
Latest Articles

Johannes on kissing male star in a series: If magki-kissing scene lang para pag-usapan, ayaw ko

Mar 16, 2021

Napanood sa BL series na Ben X Jim ang BidaMan third placer na si Johannes Rissler.

Sa nasabing web series na tinampukan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez, gumanap si Johannes bilang ex-boyfriend ng huli.

Lahad ni Johannes, “Sa BL series na Ben X Jim, ang role ko ay yung toxic na ex-boyfriend ni Teejay Marquez.”

Siya ay 22 year old at isang Half German-Half Filipino. Si Johannes ay nasa pangangalaga ng Mannnix Carancho Artist & Talent Management owned by Mannix Carancho ng Prestige International. Si Amanda Salas ang Marketing Director nito.

Ang tisoy na aktor ay bahagi rin ng cast ng Gen Z ng TV5  at ng pelikulang The Soul Sisters ni Direk Easy Ferrer, starring Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros. Parte rin siya ng sequel ng Ben X Jim.

Ayon sa kanya, wala silang kissing scene ni Teejay sa naturang BL series.

Sa next BL series na gagawin niya, kung sakaling may offer na may kissing scene sa kapwa niya lalaki, papayag ba siya?

Aniya, “Puwede naman, depende rin sa kuwento eh… Ang ayaw ko lang naman na pag-uusapan na magki-kiss na… alam mo yun?

“I mean, if worth it naman yung magiging kissing scene, why not? Pero if magki-kissing scene lang dahil para mapag-usapan o dahil iyon ang patok, ayaw ko iyong ganoon. Ayaw ko iyon.”

Pero kung sa isang aktres, sino naman ang dream niya sanang maging ka-partner at maka-kissing scene?

Esplika ni Johannes, “Actually to be honest, si Bea Alonzo talaga. Matagal ko na siyang crush na crush. As in kahit nasa Showtime pa lang ako, ini-interview ako, si Bea Alonzo talaga.”

Bakit crush na crush niya si Bea?

“Wala, hindi ko alam eh,” nakangiting pakli niya.

Pagpapatuloy pa ni Johannes, “May something sa kanya na… trip ko kasi ang mga girl na parang mga cutie-cutie something.”

Sino sa palagay niya ang nangungunang aktres na kapanta-pantasya talaga?

“Sa palapagay ko si Be Alonzo pa rin, hahaha! Siya talaga, eh, trip ko siya eh,” natatawang tugon pa ni Johannes.

Sakaling maging single si Bea, maglalakas loob ba siya para ligawan ang aktres?

“Hindi naman pumasok sa isip ko na ganoon, crush ko siya, pero hindi ko alam kung aabot sa puntong ganoon.

“Gusto ko siya maka-work, ina-admire ko siya… crush ko si Bea, pero gusto ko ay yung may limit pa rin,” wika pa niya.

Leave a comment