May 22, 2025
John and Angelica funnily divulge some info about their former “exes”
Latest Articles

John and Angelica funnily divulge some info about their former “exes”

Feb 9, 2015

mildred@bacud
by Mildred A. Bacud

angelica and johnlloydMarami ang naaliw at nagulat sa guesting ng mag-best friend na sina John Prats at Angelica Panganiban sa episode kagabi ng ‘Gandang Gabi Vice’. Bukod sa kinwento nila kung paano naging malalim ang pagkakabigan nila ay maraming rebelasyon ang lumabas. Sa takbo ng tsikahan nila ay napunta ang topic sa dating karelasyon ni John na si Shaina Magdayao na naging ex-bf din ng present boyfriend naman ni Angelica na si John Lloyd Cruz. Hindi na napigilan magkwento ng aktres.

“Di ko talaga alam paano ko sasabihin sa kanya (John Prats) kasi bina-bash kaya namin dati si Lloydie tsaka si Shaina.” Ito raw ang ginagawa ni Angel para matulungang maka-move on ang kaibigan. “Sinasabi ko talaga, ‘Ano ka ba kaya mo yan, isipin mo hindi sila bagay, maghihiwalay din sila.’ Ako pala magiging dahilan,” sabay tawa nito.

Nang tanungin ni Vice kung sa palagay ba ni Angel ay siya ang naging dahilan ng break-up nina Shaina at Lloydie, mabilis niyang tugon, “Feeling ko.”

“In fairness ‘no, si Shaina ano kaya nararamdaman, best friend ko, tapos dyowa niya dati. Ako ang nagwagi.”

Iba pa sa naging pag-amin ng aktres ay ang pagiging social drinker nito.

“Hindi, twice a year lang naman ako umiinom. Pag-birthday ko ganun lang. Tapos yung isa kapag ‘di ko na birthday!”

Nag-share naman si John ng karanasan nila sa Boracay kung saan lasing na lasing ang aktres. Pagpapatuloy ni Angel, “Nagbihis ako ng pang-mayaman, naka-dress ako tapos lumabas ako ng terrace tapos may nag-iinuman doon sa baba. Sabi ko ‘Where’s Boy So of La Carmela De Boracay?’ I’m gonna buy this island. Order na kayo ng kahit anong gusto niyo akin na ang island na to!”

Follow me…

social networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply