
John Arcilla almost became a priest
MUNTIK naging pari ang award-winning actor na si si John Arcilla dahil laking simbahan siya at kasama lagi ang mga pari.
Bukod pa sa pagiging altar boy, ang mother niya ay miyembro ng Carmelite Sisters bago nag-asawa ang kanyang mga magulang.
Saad ni John, “When I was really younger, ako yung klase ng bata-kasi I grew up in parish convent in Baler, and I was an acolyte, an altar boy and I became a choir guitarist, at the same time an assistant to the choir master.
“So, every Sunday talaga, minsan madaling araw pa yan, kasi usually yung ating mga may edad na parishians, mga manangs natin, mahilig silang magmisa sa umaga, ako yung nire-request na maging guitarist. So minsan, ‘pag may mga special events na yung mga manang nire-request ako, I have to really wake up early in the morning.
“Pero mostly every Sunday nandoon din, kasi minsan nga dalawang beses pa sa isang lingo, kasi umaga ‘tsaka hapon yung paggitara ko. Ayun, lumaki ako sa ganoong sitwasyon, parang lumaki ako sa mga pari.”
Muntik na raw siyang magpari noon, pero sadyang kakaiba ang kinang ng mundo ng showbiz at dito raw siya napadpad ng tadhana.
“Yes actually, I tried twice, twice akong na-fail, tapos noong third time ay nagkaroon ako ng go signal… Kaso noon active na ako, nag-aartista na ako sa entablado at saka may mga invitation na rin… scholar na ako noon nina Laurice Guillen, Johnny Delgado, Leo Martinez sa Actor’s Workshop Foundation, kaya medyo naka-lean na ako nang kaunti sa mainstream,” paliwanag pa niya.
Si John ang bida sa biopic ni Father Fernando Suarez, sa pelikulang pinamagatang Suarez: The Healing Priest.
Ito ay isa sa 10 official entry sa 2020 Metro Manila Film Festival na mapapanood worldwide simula sa December 25.
Ito ay handog ng Saranggola Media Produtions at pinamahalaan ni Direk Joven Tan.
Bukod kay John, tampok din dito sina Alice Dixson, Jin Macapagal, Marlo Mortel, Jairus Aquino, Rosanna Roces, Troy Montero, Rita Avila, at marami pang iba.

Makikita sa pelikula ang tungkol sa buhay ng tinaguriang healing priest-kung paano siya nagsimulang magpagaling ng mga may sakit, ang mga testimonya ng kanyang mga napagaling at maging ang mga kontrobersiyang ipinukol sa kanya at kung paano niya ito napagtagumpayan.
Ipinahayag ni John na napapanahon ang kanilang pelikula ukol sa healing priest.
Wika ni John, “So ngayon, kailangan na kailangan natin ibalik yung sarili natin sa pananampalataya natin, kung sino man ang Diyos- kasi naniniwala naman ako, ang Diyos marami siyang pangalan, puwedeng Allah, puwedeng Buddah, pero it’s the same God with different names.”
Aniya pa, “So for me it’s very special, kasi very timely siya sa nangyayari sa atin ngayon sa mundo at saka sa bayan natin. Ngayong may pandemya, ibibigay sa atin ng pelikula ‘yung nawalang paniniwala natin. Hahaplusin tayo ni Father Suarez through our film, kahit wala na siya.”
Naibahagi rin ni John na ang isa sa highlight ng kanilang movie ay nang pagbintangan si Father Suarez ng kung ano-ano at gusto siyang parusahan ng ilang taga-simbahan.
“Iyon ‘yong nasasaktan na siya, parang hinahanapan na siya masyado nang mali,” sambit ng veteran actor.
January this year nang ilabas ng Vatican na cleared si Fr. Suarez sa sexual molestation na isinampang kaso sa kanya ng dalawang altar boys. Nangyari ito, ilang araw bago namatay si Father Suarez.
Nabanggit din ni John na misan ay sinubok na rin ang kanyang faith nang dumaan siya sa anxiety.
Lahad niya, “Dumaan ako sa midlife crisis, na nagqu-question ako kung tama pa ba yung ginawa ko lahat, dumaan ako sa ganoon. Na parang nagpari na lang ba dapat ako, or talagang okay lang ba na nag-artista ako?
“Suddlenly parang wala nang meaning ang lahat, na parang dead end na siya, so, hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung ano ang gagawin ko. Na kahit yata ibigay mo sa akin ang lahat ng pelikulang gusto kong gawin, kahit ibigay mo sa akin lahat ng regalo, lahat ng pera, lahat ng gusto kong pangarap, palibutin mo ako sa buong mundo, wala nang meaning.
“I just hold on, yung faith kasi ay malaki ang nagagawa sa buhay iyan. Kasi minsan kapag mayroon kang anxiety, kahit yata mga mahal mo sa buhay ay hindi ka nila mai-inspired. Parang suddenly, wala nang meaning ang lahat.
“So, kailangan kong sumentro, kailangan kong bumalik sa center and for me, that’s what God is all about,” mahabang esplika pa ni John.