
John Estrada delivers credible performance in ‘Kara Mia’
It takes experiences to actually pull off a credible, genuine performance. Well, if others can fake it until they make it, for John Estrada it is an authentic acting making him more believable as father in ‘Kara Mia.’
Last night, GMA’s newest serye got its most number of tweets, placing it on top. Tinutukan ang pilot episode ng seryeng pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.
Ayon kay John, malakas ang tiwala nya sa serye na mapapataob nito ang katapat na serye sa Dos. Ngunit alam nyang “higante” ang babanggain nila.
Bilang aktor naman, natutuwa sya sa tiwala na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network. Kwento nya, noong nag preview nga raw ang mga boss ng GMA, ay talaga namang pinalakpakan at hinangaan ang performance nya.
Sa mga lumalabas na tweets, pinuri nila ang aktor sa isang makatotohanang pagganap bilang asawa ni Carmina Villaroel.
Puro papuri rin ang award-winning actor sa istorya ng serye, na tinawag nyang kakaiba at first time na makikita sa TV. Totoong nangyayari raw ito na magkaiba ang ama ng dinadalang anak ng isang babae. Mabubuong dalawa ang sanggol sa loob ng tyan ng isang babae na magkaiba ang ama. Di ba, interesting ang story kaya naman maraming tumutok sa pilot episode.
Kahit nga kaninang umaga ay trending pa rin ang serye sa Twitter. Walang nakikitang masama si John kung pinagtatawanan ang kanilang serye.
“Pagtawanan nyo na ang serye, basta panoorin nyo.”
Dalawang ulo ba naman ang bida sa serye! Ginawa tuloy katawa-tawa pero ang maganda, interesado ang tao, di ba?
Abangan pa ang mga susunod na episodes ng ‘Kara Mia’ weekdays after 24 Oras sa GMA. Kahit busy sa taping si John, nagagawa pa rin nya ang balanse ng buhay dahil bukod sa pagiging isang crebile actor ay isa na rin syang business owner ng “DJRE” na isang talent and events management.