May 24, 2025
John Estrada shows award-winning performance in MMK
Latest Articles

John Estrada shows award-winning performance in MMK

Aug 1, 2017

IBANG klaseng acting na naman ang ipinamalas ng mahusay na aktor na si John Estrada sa Maalaala Mo Kaya (MMK) last Saturday.

Marami na naman siyang pinabilib sa kanyang naging role bilang ama ng pamilya.

Anak niya sa MMK si Yves Flores. At sa kanilang mga confrontation scene ay pambato nga siya ng Kapamilya sa aktingan.

Kung sabagay, wala namang dudang napakahusay niyang aktor. Marami na siyang beses nabigyan ng acting awards mapa-television man o movies.

Sa ngayon nga ay busy din siya sa taping ng bagong teleserye ng ABS- CBN 2 “The  Good Son” na malapit na ring mapanood.

Excited na rin siyang mag shoot ng bagong movie na “Immaculada, Pag-ibig Ng Isang Ina” under Blank Pages Productions.

Makakasama niya ang kapwa niya mga multi awarded na sina Ara Mina at Elizabeth Oropeza. Kasama din sina Akihiro Blanco, Simon Ibarra, Jeffrey Santos, Joyce Pilarsky at ang aming baguhang alaga na si John Robin.

20228777_1596952647002476_6749438308168047565_n

Yes, First time in the history ng career ni John na gumawa sa isang  independent movie.

At first time din niyang makatrabaho ang mahusay na babaeng director na si Direk Arlyn Dela Cruz.

Isang mapaghamong role kung kaya’t napa oo na gawin ni John ang movie.

“Naniwala at malaki ang tiwala ko sa mga taong nag offer sa akin ng project na ito. Maganda ang istorya at mabigat,” sey ni John.

So, abangan natin ang pelikulang “Immaculada, Pag- Ibig Ng Isang Ina.” Tiyak na magugulat ang lahat ng mga makakapanood.

Leave a comment