May 22, 2025
“I’m professional. Whatever I feel whenever Derek goes half-naked in front of me, I set that aside.”- John Lapus on his role at TV5’s Mac n Chiz
Latest Articles

“I’m professional. Whatever I feel whenever Derek goes half-naked in front of me, I set that aside.”- John Lapus on his role at TV5’s Mac n Chiz

Jan 15, 2015

john@fontanilla
by John Fontanilla

John LapusIsa si John “Sweet” Lapuz sa kasama sa TV5 show na ” Mac and Chiz ” na ginagampanan ni Derek Ramsay at Empoy .

Ayon nga kay Sweet, marami daw mga bading at kababaihan ang maiinggit sa kanya dahil na rin sa role na ginagampanan niya dito “Siguradong maraming mga bading at kababaihan ang maiinggit sa akin dahil ang role ko dito ay ako ang tumatayong parent/yaya ng twins (Derek and Empoy).

“Maaga silang naulila, nandyan rin naman yung uncle nila si Greg played by Jojo Alejar, pero wala siyang kuwentang uncle dito, siya yung tipo ng pabigat, so ako yung nagti-take over ng household.

“Yung character ko dito may lihim na pag sinta ka’y Greg. So biruin mo apat kaming magkakasama sa iisang bahay siguradong riot.

“Abangan nila yung mga eksenang naghuhubadDerek sa harapan ko si Derek Ramsay, kaya siguradong maiinggit ang mga bakla at kababaihan ha ha ha.

“Kasi bata pa lang siya yaya na niya ako kaya walang malisya pag naliligo siya pinupunasan ko pa siya, pag nag gigym pinupunasan ko pawis niya.

At dahil nga daw sa mga ganung eksena ay pigil na pigil at hindi pinapahalatang na-e-excite si Sweet “Professional ako! Kung ano man ang dapat maramdaman ng isang bakla pag may nag hubad na lalaki sa harap ko like Derek Ramsay, initsapuwera ko yun.

“So ano lang, trabaho at wala ng iba pa.

“Kaya dapat nilang abangan kung papano ko hinubaran at pinunanasan ang basing-basang katawan ni Derek Ramsay.

“Hindi ko naman ‘to ginusto, ginawa ito ng writer at utos ng direktor at artista lang ako para hindi sila sundin, kaya go lang ako dahil trabaho ito.

“Pero gusto kong malaman nyo na sa tuwing may eksenang naghuhubad si Derek Ramsay ay hirap na hirap ako dahil pigil na pigil.

“Pero at the same time ang hirap yung aktingin mo yung ganung eksena na pigil na pigil, mabuti na lang friend ko si Derek matagal na.

“We worked many time na in the past and I’m so happy and honored to work with him again.

“Lalo na ngayon na kapapanalo pa lang niyang Best Actor sa Metro Manila Film Festival and eversince naman I’m a fan of Empoy sa tingin ko nga Empoy will be the next Jimmy Santos .

“Dapat din nilang abangan yung mga bagong words na iniimbento ni Empoy sa show namin.

Alam daw ni Sweet na dadagsa ang kanyang mga bashers kapag napanood ang mga nakakakiliting eksena nila ni Derek, “Deadma lang, trabaho lang naman ito ginagawa ko at sinusunod ko lang ang nakalagay sa script at utos ng direktor.

“Artista lang ako at lahat ng gagawin ko dito ay naaayun lang sa role na ginagampanan ko.

“Alam ko naman na yung mga taong gagawa nun ay yung mga taong maiinggit sa akin pag napanood nila yung sinasabi kong eksena.

Follow me…

social networkingJohn Fontanilla
iamjohnf

Leave a comment

Leave a Reply