May 23, 2025
John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban ends 3-year relationship but they remain friends
Home Page Slider Latest Articles

John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban ends 3-year relationship but they remain friends

Jan 25, 2016

by PSR News Bureau

john llyod and angelicaPagkatapos ng tatlong taon ay kumpirmado nang hiwalay sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz. Ayon sa balita ng entertainment radio host at talent manager na si Ogie Diaz, naghiwalay sina John Lloyd at Angelica noong January 16.

Matagal nang naging usap-usapan sa showbiz ang paghihiwalay ng dalawa pero ngayon lang ito nakumpirma. Ayon naman sa ilang malapit kay John Lloyd, nananatili daw silang magkaibigan ni Angelica. Sinasabing ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa ay dahil sa isang third party umano na itinuturo nga na si Bea Alonzo, ang kapareha ni John Lloyd sa ilang naging pelikula nito.

Nagkataon nga naman kasi na kung kalian naman naghiwalay sina Bea at ang boyfriend dati nitong si Zanjoe Marudo ay siya ring panahon na nagkahiwalay sina Angelica at John Lloyd. Kaya’t natural na magtaka ang fans kung bakit halos magkasunod naman silang nakipaghiwalay sa kanilang respective partners.

bea and john llyodAyon pa rin sa kuwento ni Diaz, sinabi umano sa kanya ng isang common friend nila ni John Lloyd na nakausap mismo ng aktor na hindi totoo ang tsismis tungkol sa kanila ni Bea. “Hindi naging kami. Magkaibigan lang talaga kami ni Bea.”

 

 

Leave a comment

Leave a Reply