
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo happy to be working together again
by PSR News Bureau
Sobrang gamay na gamay na nila ang isa’t-isa ayon kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Sa loob nga naman ng 13 taon nilang pakikipagtrabaho sa isa’t-isa, kahit paano’y walang gustong maniwala na walang namagitan sa kanilang dalawa maliban sa pagiging magkaibigan. Pero mariing itinanggi ito nina John Lloyd at Bea. “Wala talaga. Magic lang namin yun lahat ni direk Cathy [Garcia-Molina]kung ano yung nakikita ninyo on-screen,” sagot ni John Lloyd.
“Mas kumportable na kami ni John Lloyd kaysa noong una naming ginawa yung “One More Chance.” Nung panahon kasi na iyon, I was only 19, sobrang bata ko pa. Andami ko ngang ‘pabebe’ acting noon na tinatawanan ko na lang ngayon pag napapanood ko. Pero this time, sa sequel ng love story nina Basha at Popoy [mga papel na kanilang ginagampanan], sa pelikulang “A Second Chance,” nagpakita kami ng mas matured na acting,” pagmamalaki pa ni Bea.
Anila, wala nang ilangan factor sa kanila. Mas maganda na rin ang working relationship nila na kung i-describe ni John Lloyd ay: “Never been better.” Parang ito na yung pinaka-okay naming naabot. Siguro naman kasi after ten years, ang dami naming inisip at inintindi. Ang daming nangyari sa respective lives namin. So kung anumang pag-aalinlangan mayroon kami, lahat yun, nawala na. Kasi mas focused na kami ngayon sa trabaho. Gusto lang namin ma-enjoy yung bawat magkasama kami.”
“Masaya kami na maging muli kaming magkatrabaho after all these years. Na-miss namin ang isa’t-isa. Kaya it feels good to be working again with each other. Malaki na rin ang ipinagbago ng acting namin ngayon. Malayong-malayo doon sa 2007 film namin,” dagdag pa ni Bea.
Huling napanood ang dalawa sa pelikulang “The Mistress” at teleseryeng “The Beautiful Affiar” noong taong 2012. Kaya’t pihadong sabik ba sabik ang fans nila sa muli nilang pagtatambal lalo’t wala pa rin naming pumapantay sa ganda ng kanilang chemistry on screen kahit pa hindi naman talaga sila naging magkarelasyon in real life. Taglay kasi ng tambalang Bea-John Lloyd ang galing at husay sa pag-arte gaya ng kina Christohpher De Leon at Vilma Santos na pawang hit bilang magkatambal pero hindi naman tunay na naging magkarelasyon sa tunay na buhay. Ito marahil ang sikreto ng matibay na hatak ng tambalang Bea-John Lloyd na wala ang ibang loveteams.
Mapapanood ang pelikula na balik-tambalan nina Bea at John Lloyd, ang “A Second Chance” handog ng Star Cinema. Kabituin nila dito sina Dimples Romana, James Blnaco, Bea Saw, Janus Del Prado at Ahron Vilena. Mula ito sa panulat nina Carmi Raymundo at Vanessa Valdez at mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina, simula November 25 sa mga sinehan nationwide.