
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo stars in “A Second Chance” showing on November 25
by PSR News Bureau
Ilang taon matapos nilang pakiligin ang sambayanang Pilipino, nagbabalik sina Popoy at Basha, ang well-loved characters na ginampanan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa pelikulang “One More Chance.” Dahil sa maraming requests na natatanggap ang pamunuan ng Star Cinema mula sa fans sa iba’t-ibang panig ng mundo, naisipan ng Star Cinema na magkaroon ng sequel ang nasabing box office film ng tambalang Bea-John Lloyd.
Inilabas na nga ng Star Cinema recently ang teaser ng nasabing pelikula na may titulong “A Second Chance.” Magsisimula ang kuwento ng nasabing pelikula bago ang araw ng kanilang kasal. Dito iikot ang takbo ng istorya, sumasalamin ito sa kung ano ang masasabing harsh reality ng kasal. Sa naturang trailer, maririnig rin ang boses ni Popoy kung saan nangangako ito kay Basha bago ang kanilang kasal at sinasabi nitong, “Huling beses na nating maghihiwalay. Eto na ‘yung huling gabi na mayroong ikaw at ako. Simula bukas, ang meron na lang ay tayo. Tayo habangbuhay. ‘Di ka na matutulog na mag-isa, at ’di ka na gigising na wala ako sa tabi mo. At ang mga kamay na ‘to, ‘di ka na bibitawan.”
Tunay namang nakakakilig ang bawat eksena sa “A Second Chance.” Sigurado rin kaming bukod sa kilig, marami itong madamdaming eksena na may kasamang mga hugot na dialogues na lahat ng tao ay makaka-relate at coming from any John Lloyd at Bea, imposibleng hindi ka makaramdam ng anumang emosyon sa galing ng dalawang artistang nabanggit umarte.
Ang “A Second Chance” ay mula sa batikang direktor na si Cathy Garcia Molina at siguradong pakakaabangan ng moviegoers dahil maipapalabas na ito sa mga sinehan simula November 25!