
John Lloyd Cruz breaks his silence on rumored relationship with screen partner Bea Alonzo
by PSR News Bureau

Sa wakas ay nagsalita na ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz kaugnay ng sinasabing relasyon nito sa kanyang ka-loveteam na si Bea Alonzo. Sa isang naging panayam sa kanya ng TV Patrol, mariing pinabulaanan ng aktor na mayroong namamagitan na magandang pagtitinginan sa kanila ni Bea. Klinaro ni John Lloyd na magkaibigan lang sila ng mestisang aktres.
“Hindi po, magkaibigan lang kami.”
Nagsimulang umugong ang balita sina John Lloyd at Bea na ang diumano’y magkarelasyon matapos makipaghiwalay nilang dalawa sa kanilang mga karelasyon. Si Bea ay kakahiwalay lang kay Zanjoe Marudo samantalang si John Lloyd ay kay Angelica Panganiban naman.
Mabuti naman at binigyang linaw na ni John Lloyd ang mga lumalabas na alegasyon na sila na raw ni Bea ang nagkakamabutihan ngayon lalo pa’t parehas na silang single at nagkataon pang halos magkasabay silang nakipaghiwalay sa kanilang mga naging karelasyon. Ayon sa kampo ng aktor, dahil siguro matagal na silang magkaibigan ni Bea maliban pa sa naging magkatrabaho na sila ng matagal bilang loveteam, kaya naman sobrang komportable na sila sa isa’t-isa kaya akala ng ibang tao ay mayroon na silang relasyon ng higit sa magkaibigan.
