
John Lloyd Cruz joins the cast of “Nathaniel”
By PSR News Bureau
Patuloy na gumaganda ang takbo ng kuwento ng isa sa top-rating teleserye ng ABS-CBN primetime na “Nathaniel.” Lalo pa itong madaragdagan ng mga kapanapanabik na kaganapan sa pagpasok ng karakter ng award-winning Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz. Gagampanan ni John Lloyd Cruz ang papel ni Francisco Lucas, isan abogado na nais kalabanin ang pamilya nina AVL [Coney Reyes] at Paul [Gerald Anderson]. Kung ano ang magiging papel ni Francisco at kung bakit niya kakalabanin ang pamilya Laxamana ang dapat na pakaabangan ng mga manonood at tagasubaybay ng nasabing serye. Mayroon ba siyang itinatago na sama ng loob sa pamilya ni AVL? Ano ang kanyang motibo sa pakikipaglaban sa pamilya nito?
Tuluyan na nga bang magbabago ang misyon ng anghel na si Nathaniel [Marco Masa]? Paano niya tutulungan na magbago ang mga taong bahagi ng kanyang misyon? Huwag palalampasin ang kapanapanabik na tagpo sa teleseryeng nagpapatunay ng kabutihan ng puso ng mga tao, ang “Nathaniel,” na mapapanood gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol.