May 22, 2025
John Lloyd Cruz officially renews contract with ABS-CBN; No plans yet to marry Angelica Panganiban
Latest Articles Showbiz World

John Lloyd Cruz officially renews contract with ABS-CBN; No plans yet to marry Angelica Panganiban

Jan 23, 2015

mildre@bacud
by Mildred Amistad Bacud

john-lloyd-cruz-contract-signingLast October 31 pa nag-lapse ang kontrata ni John Lloyd Cruz sa Kapamilya network. Sa tagal ay maraming lumabas na espekulasyon na iiwan na nito ang kanyang mother network pero kahapon ay pormal na ngang pumirma ito ng 3 year contract sa ABS-CBN. Slowly but surely, ito ang naging paliwanag ng aktor sa kanyang interview sa TV Patrol.

“You’re talking about 3 years of your life and work.”

Kung ano ang aasahan sa mga projects ng aktor, sey niya, “ Sigurado may John Lloyd-Sarah, may John Lloyd-Bea, who knows may John Lloyd-Toni.”

#JohnLloydCruz #ABSCBNContractSigning

A photo posted by Star Magic™ OFFICIAL (@starmagicphils) on


Tinanong din ang aktor sa anong naging reaksyon niya sa mga sinabi ng girlfriend na si Angelica Panganiban sa press people sa presscon ng pelikula nitong ‘That Thing Called Tadhana’ na kung ito raw ang tatanungin ay ayaw niya ng proposal na maraming tao at biro pa niya ay nagsusukat na raw siya ng singsing.a

“Wala po akong singsing,” biro ng aktor.

“Sino naman ang hindi gustong lumagay sa tahimik? At this point top priority natin ang trabaho. Right now I’m really focused on achieving my goals.

Kakapirma lang natin ng kontrata . I’d like to show my bosses na nasa top priority natin ang trabaho. Gusto natin na ma-achieve ang content ng kontrata, maka-deliver tayo sa pinirmahan natin, sa commitment natin sa network.

“Medyo matagal na din tayo sa industriya at bibihira na ‘yung mabigyan ng ganitong klaseng tiwala from the network. I guess ang kasunod noon, we have to prioritize ‘yung opportunity na ibibinibigay sa iyo, ang laki ng tiwalang ibinibigay sa iyo.”

Follow me…

social networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment