
John Lloyd tells Bea he’s scared for his son’s future
Sa pag-uusap ng magka-loveteam na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz kamakailan sa pamamagitan ng Instagram Live, sinabi ng huli sa una, na natatakot siya para sa anak na si Ellias.
Sabi ni Lloydie kay Bea, “Alam mo sa tooo lang, nalulungkot ako para sa anak ko. Actually hindi lungkot e, mas takot, Natatakot ako para kay Ellias.”
Pagkarinig nu’n, tanong ni Bea kay Lloydie, “Ba’t naman takot?”
Sagot ni Lloydie, “Natatakot ako kung paano ko siya palalakihin sa ganitong mundo.Natatakot ako na dito ko siya palalakihin sa ganitong estado ng mundo.
“Iba na ‘yung mundong ginagalawan natin, Bey, eh, iba, ibang-iba na.
“Nakakatakot, eh. Ang bilis nang mamatay ngayon, eh. Ang bilis nang pumatay. Kaya iniisip ko, matatawag ba talaga nating maswerte mga sarili natin habang ‘yung iba na hindi maswerte, nababaril lang nang ganu’n-ganu’n sa kalye.
“Namamatay na lang nang walang kalaban-laban dahil sa sakit. Ako, nahihirapan akong sabihing swerte ako.
“Nakakahiya. Parang nakakahiya na maswerte ka, wala ka namang magawa.”
Sabi naman ni Bea, “Ano ka ba? Feeling mo lang wala kang magawa, pero sa totoo lang, marami tayong pwedeng gawin, tayong mga masuswerte.”
Pero ani Lloydie, iniisip nga raw niya kung talagang maswerte siya na dito niya palalakihin sa mundong ito si Ellias.
“Wala akong choice, kasi dito ko kailangang palakihin ang anak ko sa ganitong estado ng mundo, sa ganitong klase ng mundo. Hindi ko alam kung maswerte pa rin ang tawag du’n,” seryosong sabi pa ng aktor.
Nakakatuwa naman si Lloydie, tatay na tatay na talaga ang dating niya. Bilang tatay ni Ellias, iniisip niya ang kapakanan nito, kung paano niya ito mapapalaki nang maayos.