
John Prats misses doing a drama series
by Rommel Placente
Ayon kay John Prats, nami-miss na raw niyang ang gumawa ng drama series. Sana raw ay may dumating ulit offer sa kanya na maipapakita na naman niya ang nalalaman niya sa drama. Pero wala raw siyang balak iwan ang pagpapatawa dahil alam niyang yun ang talagang forte niya.
Marian Rivera gives birth to a bouncing baby girl
Isinilang na ni Marian Rivera ang kanilang panganay na anak ng mister na si Dingdong Dantes ngayong Lunes ng umaga, November 23. Pinanganalan ng mag-asawa ang kanilang baby na Maria Letizia. Sa isang ospital sa Makati City nanganak si Marian pasado alas-singko ng umaga. Ngayong mga magulang na sina DIngdong at Marian, siguradong dobleng kayod ang gagawin nila para sa future ng kanilang panganay.
Kris Aquino apologizes for ‘insensitive’ IG post
Sa kanyang Instagram account ay humingi ng paumanhin si Kris Aquino sa kanyang followers dahil sa kanyang “failed attempt at self-deprecating humor” sa nauna niyang post noong Huwebes, November 19.
Sa post ni Kris sa kanyang IG account ay sinabi niya na, “I humbly apologize for my failed attempt at self-deprecating humor Thursday night that came across as being spoiled & insensitive. “I’M SORRY…”
Sinabi pa ni Kris na ipauubaya na lamang niya ang pagbibiro sa kanyang kaibigang si Vice Ganda.
“In the future I will leave the joking to Vice Ganda, PROMISE.”