May 23, 2025
John Prats shows off his ‘shining moment’ at The Ellen De Generes Show
Latest Articles

John Prats shows off his ‘shining moment’ at The Ellen De Generes Show

Apr 24, 2015

by PSR News Bureau

16 Ang suwerte naman ni John Prats dahil kahit sandali lang ay nabigyan ito ng pagkakataon na magpakitang gilas sa kanyang talento sa pagsasayaw sa programang The Ellen DeGeneres Show sa Amerika.

Kumakalat ngayon sa social media ang nasabing video ng ginawang pagsasayaw ni John Prats sa stage ng talkshow ni Ellen Degeneres. Ayon sa actor, ang kanyang mapapangasawa na si Isabel Oli ang unang nakapanood ng naturang video sa YouTube at agad nitong inilagay sa Twitter ang naturang screengrab ng nakabibilib na dance moves ng kanyang nobyong si John na nilagyan ni Isabel ng hashtag na “kilig.”

Nagpasalamat naman sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang actor, “Share ko lang #ProudMoment #Ellenshow @theellenshow thank you @missisabeloli sa video. Thank you din @iamangelicap!”

 


Kuha ang nasabing video nitong Enero kung saan magkasama sina John at Isabel sa Amerika at masuwerteng nakapanood ng isang episode ng show ni Ellen.

Nakatakdang ikasal sina John at Isabel sa May 21 sa isang resort na pag-aari ng mga Prats sa Batangas.

Leave a comment

Leave a Reply