
Jojo Mendrez to revive Julie Vega’s Somewhere in My Past?
NOONG January 3, Sunday, ay dinalaw ng Revival King na si Jojo Mendrez ang puntod ng namayapang aktress na si Julie Vega sa Loyola Memorial Park.
Kahit malakas ang ulan, ay hindi ito naging hadlang kay Jojo, para dalawin sa huling hantungan niya ang dating sikat na aktres.
Indikasyon ba ito na si Jojo na ang napili para mag-revive ng “Somewhere in My Past” na pinasikat noong taong 1985 ni Julie?
O baka naman gusto niya lang dalawin ito, dahil tulad ng nakakarami ay isa rin ang singer-actress sa mga iniidolo ni Jojo?
Bukod sa mga katanungang ito, ay puwede talagang isipin na si Jojo na nga ang napili para kumanta ng pamosong awitin ni Julie.
Baka ang pagpunta niya sa puntod ay bilang pasasalamat na rin sa aktres, o kaya ay pagpapaalam sa muling pagbibigay-buhay sa napakaganda nitong awitin.
Bilang respeto rin, kasama na siguro ang paghingi niya ng basbas sa sikat na teen star noong Dekada ’80.
Anu’ t-ano pa man, ay tanging si Jojo lang ang nakakaalam sa bagay na ito, at wala pang kinukumpirma ang may gawa ng kanta na si Mon del Rosario.
Bagamat nag-audtion si Jojo sa pamosong composer ay wala pa ring idinedetalye ang Revival King kung siya na nga ba ang kakantang muli sa “Somewhere in My Past.”

5 names ang nasa shortlist ng premyadong composer na si Mon na kakanta ng Somewhere In My Past.
At may mga bigating names sa recording industry ang usap-usapang kasama. Pero kanino nga ba talaga mapupunta ang kanta? ‘Yan ang ating aabangan!