May 24, 2025
Jolina Magdangal’s hesitant to work with Claudine Barretto again
Home Page Slider Latest Articles

Jolina Magdangal’s hesitant to work with Claudine Barretto again

Jul 20, 2015

By PSR News Bureau

Jolina-Clau

Marami sa entertainment press na nag-interview kay Jolina Magdangal-Escueta ang nagulat nang malaman na naging ‘biktima’ rin pala ang aktres ng ‘attitude problem’ ni Claudine Barretto noong kanyang kabataan. Ito yung mga panahong ‘nagre-reyna’ pa si Claudine sa ABS-CBN. May mga pagkakataon kasing naging cause of delay si Claudine ng taping dahil lang sa wala sa mood ang aktres at hindi nito ‘feel’ siputin ang taping na kadalasan ay nagiging aberya para sa ilang taong nakatrabaho nito.

judy-ann-santosIn fairness naman kay Jolina, hindi sinasadyang maitanong sa kanya kung willing pa ba siyang makatrabaho si Claudine [na nagbabalik showbiz]. Doon na nalaman ng entertainment press na nagkaroon ng hindi gaanong magandang working experience si Jolens kay Claudine dati. Obvious na hesitant pa rin magpahanggang ngayon si Jolens na makasamang muli sa trabaho si Claudine. Hindi katulad nang matanong sa kanya kung gusto pa niyang makasama sa isang proyekto si Judy Ann Santos-Agoncillo. Makikita agad ang ‘yes’ sa mata pa lang at ngiti ni Jolina.

“Don’t get me wrong, kung maganda yung role at may swak na oras, I’d still be willing to work with her [Claudine] naman. I’m sure madami ng nagbago, we’re both matured na this time, so siguro naman, wala nang bakas nung anuman yung attitude namin before. So why not?,” huling nasabi ni Jolens.

Leave a comment

Leave a Reply