
Jolina Magdangal’s impersonation of Manny Pacquiao was such a big hit!
by Mary Rose Antazo
Kapamilya Star Patrol– Trending every weekend ang Your Face Sounds Familiar (YFSF) ng Kapamilya network. Hataw ito sa ratings dahil sa nakaaaliw na pag-iimpersonate ng walong celebrities na kinabibilangan nina Jay R, Tuti Caringal, Nyoy Volante, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Maxene Magalona, Edgar Allan Guzman at Melai Cantiveros na kasali sa nasabing contest. And last Saturday and Sunday, April 18-19, ang nasabing episode ang masasabing isa sa pinaka-the best dahil sa husay ng mga kalahok.
Nakuha ng Pop Icon na si Jolina ang pinakamataas na boto mula sa jurors at kapwa contestants sa pag-impersonate niya kay boxing champ Manny Pacquiao kaya siya ang nanalo para sa linggong ito. Medyo na-pressure raw talaga at kinabahan nang husto si Jolina dito dahil mahal at malaki ang respeto ng mga Pilipino kay Manny. Sa katunayan, maging ang buong mundo ay nag-aabang na sa mega-fight nito with Floyd Mayweather Jr sa darating na May 3.
Mas excited nga raw si Jolens kapag lalaki ang kanyang ginagaya sa YFSF. Sabi pa nito, “Sa totoo lang ang pagbigay sa akin ng Manny Pacquiao, timing din. Hindi naman sinasadya na may laban siya. Kahit sino sa amin pwedeng bigyan ng Manny. Manalo o matalo, happy ako na naibigay sa akin ito. Pero mas doble ang kasiyahang nararamdaman ko dahil nabigyan ko ng justice ang pag-impersonate sa idol kong si Pacquiao.”
Sobrang namangha sa kanya ang mga jurors at nag-trending din sa social media ang Manny Pacquiao impersonation niya dahil hindi nila nakita ang pagiging Jolina niya sa kanyang performance.
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na isang lalaki ang ginaya niya dahil una na niyang na-impersonate ang Guns N’ Roses vocalist na si Axl Rose. Sa katunayan ay mas nae-excite daw siya kapag lalaki ang lumalabas sa iconator.
“Si Manny Pacquiao, meron siyang tunog at galaw at facial expression. Ang ngiti niya alam mong Manny. Pressured ako pero gusto kong ilagay sa exciting. Pinaka-challenging ang boses at kung paano siya magsalita. I’m hoping na okay ang look kasi doon mapu-pull off,” nang makausap bago ang kanyang presentation Linggo ng gabi.
Meanwhile, nagbunga naman ang dedikasyon ni Jay-R sa pag-aaral ng icons na kanyang ini-impersonate lalo pa’t ibinahagi sa Twitter ng totoong Alice Cooper ang link ng performance ni Jay-R kung saan ginaya niya ang rock icon sa YFSF.
Sa laban this week, ang mga ginaya ng celebrities na sina Maxene Magalona bilang si Vhong Navarro, Edgar Allan naman bilang si Toni Gonzaga. Nagpataasan naman ng boses sina Karla Estrada na ginaya si Mariah Carey at ni Tutti Caringal bilang ang Aerosmith vocalist na si Steven Tyler. Sinubukan namang mag-rap ni Nyoy bilang si Apl de Ap, habang ginaya naman ni Jay-R si Tom Jones, at si Melai Cantiveros naman si Cyndi Lauper.
Panoorin ang tumitinding labanan sa “Your Face Sounds Familiar” tuwing Sabado pagkatapos ng “MMK” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Rated K.”
[divider]
Jam Sebastian’s mom slams Mich Liggayu
Kapuso Chika Minute- Marami ang nalulungkot sa kinahinatnan nang dapat sana’y maayos na relasyon nina Maricar Sebastian, ang ina ng yumaong Youtube sensation na si Jam Sebastian sa ka-partner nitong so Mich Liggayu. Akala ng marami ay walang gulong namamagitan sa dalawa pero laking gulat ng mga nagmamahal at sumusubaybay sa Jamich nang ma-interview ito ng programang Startalk ng Kapuso network last Saturday.
Sabi ni Maricar ay hindi siya titigil hangga’t hindi niya nabibigyan ng katarungan ang anak. Ipinaglalaban nito ang hatian ng ari-arian ni Jam at ng dating live-in partner. Naniniwala si Maricar na mayroon siyang karapatang kunin ang bahagi ng kanyang yumaong anak sa mga naipundar nila ng naiwang fiancée na si Mich.
“Hindi ako humihingi ng simpatiya, hindi ako humihingi ng kakampi. Totoo lang ang sinasabi ko,” galit na pahayag nito sa interview sa kanya.
Sa mga tumitira naman sa kanya sa online ay heto ay pahayag ni Maricar. “Ngayon, kung bubuwelta kayo sa akin, nakahanda akong mamatay. Paninindigan ko ang lahat ng sinabi ko kahit saan tayo mapunta. Ang sabi ko, gusto ko ng breakdown ng finances ng anak ko.”
“Hindi ako stage mother. Ni singko wala akong pinakinabangan sa pagkasikat ng anak ko dahil may kanya-kanya kaming buhay. This time, namatay ang anak ko, ngayon, may karapatan ako.”
“Ayoko sanang magsalita pero sobra na, grabe. Hinihingi namin sa ‘yo [Mich] ang gamit. Ano’ng sabi mo sa amin? Pag-iisipan mo.”
“Hinihingi namin ang share, anong binigay mo sa amin? Gusto mo sa ‘yo lahat. Ang anak ko naghirap din diyan, hindi mabubuo ang Jamich kung walang Jam. Until now, pinakikinabangan mo,” rebelasyon pa ng ina ni Jam.
Ang perang tinutukoy ni Maricar ay ang kinikita ng Jamich sa Youtube. Dahil sa issue na ito ay marami tuloy ang nag-aabang sa magiging sagot ni Mich.
[divider]
Danica Sotto approves Pauleen Luna for her dad
Kapatid Showbiz Konek-Truly a picture of a happy wife ang Kapatid star na si Danica Sotto-Pingris at sobrang blessed siya sa pagkakaroon ng isang masayang pamilya. Kaya sa second season ng show nila nina LJ Moreno-Alapag at Mariel Rodriguez-Padilla na Happy Wife, Happy Life sa TV5 natutuwa si Danica na magagawa niyang ibahagi sa televiewers ang sikreto ng pagkakaroon ng isang masayang pamilya at ang maging isang masayang asawa. Eight years na siyang married to Marc Pingris at hindi naman niya itinatago na gaya ng ibang couples ay marami rin silang mga pagsubok na pinagdaraanan. Hindi raw perfect ang kanilang relasyon.
Meanwhile, during the presscon ng programang Happy Wife, Happy Life ay hindi naiwasang maitanong kay Danica ang tungkol sa kanyang amang si Vic Sotto at ang ka-partner nito ngayon na si Pauleen Luna.
“Ipinagdadasal ko naman ang anumang plano ni Daddy. I respect their relationship. Kami naman ni Pauleen, okay na kami. Wala na kaming problema sa isa’t isa. Pero ayokong sabihin na sila na nga talaga sa bandang huli. Ayoko kasing mag-assume. Pero sa nakikita ko naman, happy si Daddy. ‘Yun naman ang importante sa akin.”
“Kung sila na nga ni Daddy, sana forever na, ‘di ba?” sabi pa ni Danica.
Nang matanong naman kung sakaling maging pormal nang maging Mrs. Sotto si Pauleen, may advice ba siyang maibibigay dito?
“Ayokong magbigay ng advice kasi baka sabihin nagdudunung-dunungan ako. Hindi ako ganung tao, e. Yung pagsasama naman namin ni Marc, hindi naman perfect. I mean, may mga pinagdadaanan pa rin kaming mga challenges sa pagiging mag-asawa and I think normal lang naman iyon.”
“Sa totoo lang, marami pa akong kailangan malaman talaga.
At bilang isang wife, hindi ko kayang bantayan ang mister ko araw-araw!” komento pa ni Danica.