May 24, 2025
Jolina sees ‘Your Face Sounds Familiar’ not as a competition but just a performance
T.V.

Jolina sees ‘Your Face Sounds Familiar’ not as a competition but just a performance

Mar 6, 2015

mildred@bacud
by Mildred A. Bacud

Kabilang ang Pop Icon na si Jolina Magdangal sa walong celebrities na humarap sa press people kabilang ang Philippine Showbiz Republic (PSR) kahapon, March 5. Kasama siya sa celebrity contestants para sa pinakabagong reality show ng Kapamilya network, ang ‘Your Face Sounds Familiar’, hosted by Billy Crawford.

your sounds

Sa narating at estado ng career ni Jolens, bakit nga ba siya napapayag sumali sa isang kumpetisyon?

Jolina-Magdangal-balik-Kapamilya-na“Hindi ko kasi iniisip na competition siya eh. When it was offered to me, hindi na rin ako nagdalawang isip. Inisip ko na magandang exposure din talaga. Saturdays and Sundays lang naman ang taping so parang gumagawa lang din ako ng musical variety show.

“Hindi ko siya iniisip na contest, performance lang every week na kailangan pagbutihin para mapasaya ang mga taong manonood.”

Ang mapipiling top 4 sa walong contestants ay huhusgahan via text votes. Siya ba ay mangangalampag sa mga fans to support her?

“Hindi siguro. Sabi ko nga hindi ko siya iniisip na kumpetisyon kasi ayokong magpaapekto. Basta ako gagawin ko lang talaga yung best ko para makapag-perform. Bawat week kasi may assigned artist na gagayahin namin, malalaman namin yun kapag pinindot namin yung tinatawag na iconizer.

Happy raw talaga si Jolina sa nangyayari sa kanyang career mula ng bumalik siya sa Kapamilya network.

“Happy na ako nung tinanggap ako ng ABS ulit kaya nung tumawag sila for another show kahit na may ‘Flordeliza’, pa akong ginagawa ay thankful talaga ako.

Speaking of Flordeliza, ano ang pakiramdam niya na mababa ang pagsisimula ng programa sa ratings?

“Yun nga eh, pero happy kami kasi from a single digit umakyat na kami sa double digits. Kasi nga nagugustuhan nila yung istorya at ako happy ako na kahit saan ako magpunta, pinag-uusapan nila yung teleserye namin. Sinasabi nila naiyak daw sila sa eksena kong ganito… ganon…”

“Tapos nagugustuhan na rin nila yung love angle namin ni Carlo (Aquino) sa kwento. Masasabi ko na hindi ko talaga makakalimutan ang ‘Flordeliza’, sa mga ginawa ko kasi drama talaga eh. Sobrang bilib ako kay direk Wenn Deramas as direktor na hawakan lang niya yung kamay ko naiiyak na ako ganon…”

Kahit busy na muli si Jolens sa career hindi naman siya nagkukulang bilang ina at asawa. Nakakahangang hanggang ngayon ay nagpapa-breast feed pa rin siya sa kanyang anak kahit nag-one year old na ito.

Follow me…

social  networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply