
Vice Gov. Jolo returns to hospital; Per Medical Bulletin, the doctors removed a half liter of blood from his lungs
by Ruben Marasigan
Balik sa ICU si Cavite Vice Governor Jolo Revilla. Ito’y matapos siyang sumailalim sa isang surgery noong Sabado, February 28, sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City.
Kahapon, Linggo, March 2, isang medical update ang inilabas ng abogado ng pamilya Revilla na si Atty. Joel Bodegon tungkol sa kasalukuyang kundisyon ni Jolo.
Nakasaad dito na, inabot daw ng two and a half hours ang isinagawang sugery kay Jolo. The doctors removed a half liter of blood from his lungs.
Isang chest tube daw ang naka-insert sa katawan ni Jolo. Mahigpit daw ang bilin ng mga duktor na restricted muna at huwag tatanggap ng sinumang bisita dahil sa delicate condition pa rin ng aktor.
Kaugnay nito, humihingi raw ang pamilya Revilla ng more prayers mula sa publiko para sa agarang recovery ni Jolo.
Isinugod si Jolo Sa Asian Hospital and Medical noong Sabado dahil sa tinamong gun shot wound sa kanyang dibidb.
Ayon sa pamilya Revilla, aksidente umanong pumutok ang baril na nililinis ang actor-politician at tinamaan siya sa dibdib.
Gano’n pa man, may lumalabas ding haka-haka nga na nagtangka diumanong mag-suicide si Jolo.
Nananatiling tahimik at hindi nagpapaunlak ang pamilya Revilla ng interview sa media.
Ang talent manager at talk show host na si Lolit Solis na close sa mga ito, may nasabing pahayag hinggil sa pangyayari.
Ayon kay Lolit, na-depress daw nang husto si Jolo dahil sa balitang mula sa pagkakakulong sa NBI ay ililipat sa city jail ang kanyang amang si Senator Bong Revilla.
Sa ngayon kasi, si Jolo ang tumatayong parang sandigan ng kanilang pamilya simula nang makulong si Senator Bong dahil sa pagkakaugnay nito sa usaping pork barrel scam.
Parang ininda raw nang husto nito ang sinasabing baka ilipat na sa city jail ang kanyang ama.
Sa nasabing iyon ni Lolit, nabuo ang sapantaha na baka magulo ang isip ni Jolo nang sandaling nililinis nito ang kanyang baril kaya nangyari ang aksidenteng pagputok nito.