
Jomari Yllana airs out sentiment over P-Noy
by Rommel Placente
Isa si Jomari Yllana sa naglabas ng kanyang sentimyento kay P-Noy dahil sa hindi nito pagdating sa Villamor Airbase para sa arrival of honors para sa mga namatay na pulis sa Mindanao. Sa kanyang personal Facebook account ay buong tapang siyang nag-post ng statement laban kay P-Noy.
Narito ang kabuuang FB post ni Jomari.
“Ang akala nila, parang video game lang, nag-ensayo lang at pinasubukan. Sigurado ako, kahit dati na hindi ka corrupt. Pero garantisado na ako na isa ka ngang tanga! Lahat ng nasa gabinete mo, mandarambong. Sana, pagkatapos dumaan ng sasakyan ninyo sa daan na nagkukunwaring matuwid ay dumiretso na rin ito sa impiyerno. Kasama ng mga dayuhang mapuputi na napakahusay magsinungaling. Napakahusay na mandurugas at napakahusay mag-angkin ng lupaing hindi kanila.
Ikaw na! Ikaw na ang pinakatangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas!!
Sa nakabasa ng message na ito ni Jom, ‘yung iba ay sinaluduhan siya sa katapangan niya na magsalita ng laban sa ating presidente. Pero ‘yung iba ay hindi nagustuhan ang post na ito ni Jom at isa na kami roon.
Sana inisip ni Jom na presidente pa rin natin si P-Noy at hindi niya ito sabihan ng pinakatangang presidente. Napakawalang respeto naman niya kay P-Noy. Pwede naman siyang maglabas ng kanyang sentimyento nang hindi niya kailangang sabihan pa ng ganoon ang ating pangulo, di ba? Nagkaroon pa rin naman sana siya ng paggalang sa pinakamataas na tao sa ating bansa. Ang sabi tuloy ng iba, nagpapapansin lang si Jom dahil laos na ito at gustong mapag-usapan na mukhang totoo naman.
_______________________________________________________________________________________________________
Totoo pala na plano na ni John Prats na lumipat sa GMA 7 at iwan ang ABS-CBN 2. Hindi lang ito natuloy dahil ayon mismo kay John, ay pinigilan siya ng Kapamilya network. So mahal at importante si John sa Dos kung ganoon, di ba? Si Empress ay hindi pinigilan o hinabol ng Dos nang mag-decide itong lumipat sa GMA 7. Ibig sabihin nito, hindi ganoon kaimportante ang dalaga sa kanila.
Pero ano kaya ang dahilan ni John at naisip pa niyang umalis sa ABS-CBN 2 to think na hindi naman siya nito pinababayaan? Lagi nga siyang binibigyan ng proyekto nito, sa totoo lang.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente
DISCLAIMER: Views expressed are that of the author and do not necessarily reflect the opinion of the Philippine Showbiz Republic and its publishing company, DCPManagers Inc.