May 23, 2025
Joross Gamboa is excited to become a dad
Latest Articles Movies

Joross Gamboa is excited to become a dad

Jun 9, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

Joross-and-Kat-07

Excited na si Joross Gamboa ngayong malapit na siyang maging daddy. Baby boy daw ang ipinagbubuntis ng asawa niyang si Katz na manganganak na by September or early October.

Ano ang paghahanda na ginagawa nila? May name na ba ang kanilang magiging baby?

“Wala pang name, nag-iisip pa kami,” sabi ni Joross nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR).

“Kasi Joross ako, Katz siya (his wife). Kapag pinagsama mo, Joratz!,” natawang sabi pa ng aktor. Parang medyo hindi maganda sa pandinig pag pinagsama names naming so sabi ko isip muna kami. Gusto kasi namin medyo unique. So nagbabasa kami ng mga books about names and kung paano mag-handle at mag-nurture ng mga baby,” masayang pagkukuwento ng future daddy na si Joross.
“Nagpapasalamat din ako na it’s a baby boy! Kakalat na ‘yong apelyido ko,” nangiti ulit na huling nasabi ni Joross.

Pero bago maging isang ama si Joross, nag-portray muna ito ng isang gay role sa pelikulang “I Love You. Thank You,” na isa sa walong napiling pelikulang maglalalaban-laban sa Filipino New Cinema Section ng World Premieres Film Festival. Dito ay nabigyan daw niya ito ng iba at fresh na atake ang kanyang gay role. Sabi nga ng direktor ng pelikula na si Charliebebs Gohetia, magaling daw si Joross. Ito na raw marahil ang best performance daw nga niya.

Paano ba niya nagawang bago at naiiba ang pagpu-portray niya ng gay role gayong maraming beses na niyang nagampanan ito in the past?

“ Before kasi ayoko na sana munang tumanggap ng gay role,” ani Joross.

“Kasi kapag na-type cast ka (sa gay roles), parang magiging iisa lang ang atake mo sa lahat. Parang hindi na siya kakaiba para sa ‘yo.

“So eto kasi dahil maganda ‘yung material, maganda ‘yung istorya kaya pumayag ako. And dito kasi mas tina-tackle naman ‘yung relationships at saka ‘yung mga leveling ng pag-ibig ng isang gay. Actually this is not a gay movie. This is a love story. Basically hindi siya love story ng isang bading. Love story siya para sa lahat.”

Kasama niya sa pelikulang ito ang Thai actor na si Ae Pattawan na gumaganap bilang gay din na na-inlove sa kanya perto hindi naman niya mahal. Tampok din dito sina CJ Reyes at Prince Estefan.

Paano naman niya na-achieve ‘yung naiiba at fresh na atake sa kanyang character bilang gay? Ano ang preparations na ginawa niya?

“Kapag umaarte ako, wala naman akong pinaghuhugutan sa personal kong buhay. Dahil na-settle ko na lahat, wala naman akong mga problema.

“Ako kasi ibinabase ko ang pag-arte ko sa script. Isinasa-totoo ko ‘yong script. So sa akin, kapag maganda ‘yung script… mas maganda ‘yong pag-portray ko. Kasi iniisip ko talaga na ako ‘yun.”

May sexy scenes ba siya sa “I Love You. Thank You”?

“Kung meron man, minimal. Hindi kasi namin ito gustong i-sell dahil sa love scenes. Gusto naming panoorin ito ng tao dahil maganda siya at marami ang makaka-relate. At kumbaga, gaganahan kang isama ang mga kaibigan mong babae.

Kasi hindi siya malaswang palabas. Wala akong kissing scene. Pero sina Prince (Estefan), meron. At parang napapaniwala ako… ha ha ha! Basta ang gagaling nilang mag-bading.”

Leave a comment

Leave a Reply