Joross Gamboa remains mum on his viral sex scandal video
Magpahanggang sa ngayon ay walang direktang pag-amin o pagkaila mula sa kampo ng aktor na si Joross Gamboa kung siya nga ang nasa sex scandal video na kaagad kumalat sa internet nitong nakaraang linggo. Ayon sa mga lubos na nakakakilala sa aktor, sigurado silang siya mismo ang nasa nasabing video. Kasalukuyang nasa Amerika ang aktor kasama ang kanyang asawa at anak kung kaya’t hindi ito mahingan ng reaksiyon hinggil sa nasabing isyu.
Dahil sa nasabing iskandalosong video ay tila nagkaroon muli ng interes ang publiko kay Joross. Sa naturang video, ipinapakita na pinaliligaya ni Joross ang kanyang sarili habang may kausap ito sa kabilang video na babae.
Gaya ni Joross, tikom ang bibig ng kanyang manager hinggil sa isyu. Tinangka ng ilang kasamahan ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa panulat na kunin ang pahayag ng manager ni Joross na si Noel Ferrer, pero hindi ito makontak sa kasalukuyan. Wala pa rin tayong naririnig mula sa kanya hinggil sa nasabing kinasasangkutang isyu ng kanyang alaga.
Aktibo pa rin naman si Joross sa paggawa ng pelikula hanggang ngayon kahit pa puro supporting roles lang ang napupunta sa kanya. Karamihan pa nga sa mga ito ay pawang mga indie films kung saan mas nahahasa ang talento ni Joross sa pag-arte.
Ang isang malaking katanungan sa pagbabalik ni Joross sa bansa ay kung makakatulong ang naturang iskandalo sa takbo ng kanyang career. Pero maraming kabaklaan ang nagpapantasya sa kanya ngayon matapos nilang mapanood ang nasabing eskandalosong video ng aktor.