May 25, 2025
Joseph Ison considers ‘Bagani’ a blessing
Latest Articles

Joseph Ison considers ‘Bagani’ a blessing

Mar 16, 2018

Kasama si Joseph Ison sa bagong fantaserye ng ABS-CBN 2 na “Bagani” na pinagbibidahan ng loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil.

“Ako po si Bungisngis, isa po sa mga minions ni Sarimaw na si Ryan Eigenmann,” pagpapakilala ni Joseph.

Para kay Joseph, masasabi niyang ang role niya sa “Bagani” ang pinakamagandang role na nagawa niya so far.

“Ito na po ang pinakamagandang role na nagampanan ko bilang aktor. Sana magustuhan po ng televiewers. Ibinigay ko po lahat dito, kasi sabi ni direk Richard Arellano (direktor ng Bagani), galingan ko raw po kasi napakaganda ng role ko at tatatak daw po talaga (sa tao), kaya pinag-aralan ko po mabuti.

“Kagaya ng sinabi ni direk na gayahin ko si Heath Ledger na pinag-aralan ang role niya bilang si Joker po sa The Dark Knight.”

Nagpapasalamat si Joseph kay direk Richard dahil ito ang nagpasok sa kanya sa “Bagani.” Personal choice siya para sa role na Bungisngis.

“Tumawag po siya sa akin para sabihin na isasama raw po niya ako sa “Bagani.” Wala po akong manager ngayon kaya pwede pong dumirekta ang kahit sinong gustong kumuha sa akin para sa isang project.

“Sobrang nagpapasalamat po talaga ako kay direk Richard dahil sa kanya, napasok po ako sa “Bagani.”

joseph-izon

Natutuwa naman si Joseph dahil nagustuhan ng bosses ng ABS-CBN ang pagganap niya bilang Bungisngis sa nasabing fantaserye.

“In fact natakot nga po sila at sabi ni direk Lester Pimentel, ang 2nd unit director ng “Bagani,” masyado ko raw po ginalingan kaya natakot ang mga bosses.

“Panoorin na lang po ng mga tao para malaman po nila na feel na feel ko po ang role kaya nai-execute ko po ng tama at maganda. Salamat po sa Diyos.”

Bukod sa “Bagani” ay may show rin sa UNTV si Joseph na kasama si Daniel Razon. Isa itong public service program.

“Ang title po ng show ay “Tulong Muna Bago Balita” Every Saturday po ito at 8:00pm.

“Nag-training po kami para sa show tulad ng fire fighting, ambulance driving at rescue driving. Sana po lahat ng ‘yan ay matutunan ko.”

 

Leave a comment