
Joseph Marco to Alex Gonzaga “I like Alex very much”
Si Joseph Marco ang leading man ni Alex Gonzaga sa romantic comedy movie na “My Rebound Girl” ng Regal Films na showing na sa Sept. 28 sa mga sinehan.

Muntik na palang magkaroon ng magandang pagtitinginan sina Joseph at Alex noon pa habang ginagawa nila ang teleseryeng “Pure Love” ng ABS-CBN. Kung ipinagpatuloy pala ng young actor ang pagpaparamdam niya sa dalaga ay baka sila na ngayon.
“Nagparamdam ako sa kanya noon pero nakita kong hindi pa siya ready, so nirespeto ko ‘yon. Sabi ko, maybe in time. And right now, okay naman kami”, sabi niya.
Kung bibigyan nga raw siya ng pagkakataon ni Alex ay pwede niyang ituloy ang naudlot na panliligaw niya.
“I’m not closing my doors. I like Alex, I like Alex very much”, pakli niya.

Sa ngayon ay pakiramdaman pa rin at masasabing wala pang namumuong espesyal na samahan sa dalawa kahit marami ang nagsasabi na bagay sila at perfect combination na maituturing.
Pero sabi nga ay puwede namang mangyari ang mga hindi inaasahang bagay lalo pa’t kilala na nila ang isa’t-isa. Isa pa, hindi na raw masyadong hinihigpitan ni Mommy Pinty (Mommy ni Alex) ang batang Gonzaga sa mga pam-personal na bagay at buhay nito.

Kung kami talaga ang tatanungin, i-push na ni Joseph kung anumang feelings na meron siya kay Alex dahil sa tuwing nakikita namin sila together ay kinikilig kami. As in sobrang bagay sila na marami sa mga tagahanga nila ay kilig to the bones na sa kanilang pareha.