
Joshua Garcia says he’s a John Lloyd Cruz fan
Maraming nakakapansin sa similarity ng Kapamilya teen actor na si Joshua Garcia at ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz , hindi lang sa kanilang pagkakahawig kundi sa pananalita.
Pero, ayon sa young actor, hindi raw deliberate na ginagaya niya si John Lloyd.
“Hindi naman po sinasadya, siguro nagkakataon lang pero. I don’t mind being called na younger version niya dahil sa totoo lang po, talagang idol ko siya. Nakakatuwa at nakakataba ng puso na ikinukumpara ako at sinasabing next John Lloyd. Iyong maabot ko kahit 1/3 or ¼ ng kanyang naabot, malaking bagay na po iyon sa akin,” aniya.
Hindi rin ikinaila si Joshua na nag-audition siya sa grupong Hashtags.
“Nag-audition ako pero hindi nakapasok dahil may ibang project akong ginagawa. Kung natuloy po, sana nagkaka-bonding kami ni Ronnie (Alonte) na kasama ko sa “Vince, Kath and James,” tsika niya.
Proud din siya dahil nakasama niya sa isang proyekto si Julia Barretto sa una nilang pagtatambal sa ‘Vince, Kath and James’.
“Happy ako dahil nakasama ko si Julia na bukod sa talented ay nagtataglay ng isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz,” aniya.
Okay lang daw sa kanya kung sila ni Julia ay gawing official love team.
“Masaya po ako kung naging kami. I mean, kung kami ang magiging magka-partner. Matagal na rin kasi kaming naiuugnay sa iba’t-ibang partners, so okay lang kung kami ang maging love team para hindi malito ang mga fans,” pahayag niya.
Bagamat attracted siya kay Julia ay wala pa siyang balak ligawan ito.
“Wala pa po. Trabaho muna, siguro in God’s perfect time,” pakli niya.
Madali rin niyang naka-bonding si Julia dahil sa ugali nito.
“Mabait siya. Walang kaarte-arte sa katawan. Inglesera kasi siya pero jologs pala siya,” sey niya.
Kuwento ng college students na nagsimula ang relasyon sa text messaging ang roles nina Joshua at Julia sa ‘Vince, Kath and James’. Bubuo ng kanilang triyanggulo si Ronnie Alonte ng Hashtags bilang pinsan ni Joshua na may gusto kay Julia.
Bilang James, nakaka-relate si Joshua sa kanyang role bilang isang millennial.
“Meron akong niligawan noon pero hindi ako nanliligaw sa text kasi, pangit ang dating sa babae kapag niligawan mo thru text lang. Nangyari siya noong high school pa ako pero medyo torpe kasi ako noon at hindi ko pa masyado ma-express ang feelings ko,” pagwawakas niya.
Mula sa direksyon ni Ted Boborol, ang ‘Vince, Kath and James’ ay hango sa popular na online romantic series na ‘Vince and Kath’ na isa sa pinakaaabangang social serye na sinundan ng milyong online readers sa social media.
Handog ito ng Star Cinema bilang official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival na mapapanood na simula sa araw ng Pasko, Disyembre 25.