
Journalist Ceasar Soriano remembers Marawi siege through ‘Ang Misyon’
Sobrang nakaka-relate ang batikang mamamahayag na si direk Ceasar Soriano sa pelikulang “Ang Misyon: A Marawi Siege Story” na kanyang idinirehe para sa GreatCzar Media Productions at ini-release ng ABS-CBN Film Productions.
Aminado kasi siyang naipit din siya sa armed conflict ng mga Abu Sayyaf at mga military noon.
“Ako po’y dating reporter ng ABS, year 1990. Ako’y laging pinapadala sa Mindanao, sa news namin noon. Maliit pa iyong newsroom namin, kasama ko roon sina Gus Abelgas, Henry Omaga Diaz, Pia Hontiveros, sila iyong mga kasamahan ko,” bungad niya.
Dagdag pa niya, siya rin daw ay na-kidnap ng mga teroristang Abu Sayyaf.
“Ako po’y taga Mindanao. I grew up in Zamboanga and because of that experience, palagi akong naa-assign kapag may mga kidnapping at may mga encounter sa Mindanao. One time noong kinidnap ‘yung American missionary Charles Walton in 1994, ‘yung presidente natin nasa America, si then President FVR [Fidel V. Ramos].
“Pinadala ako doon kasi kailangang ma-release si Charles Walton pero ang nangyari pumunta po si dating Vice President Joseph Estrada, siya ang pinadala to solve the crisis. He declared a news blackout. As a reporter po, napakasakit po, ayaw namin ng news blackout kasi may quota kami kasi ng istorya, everyday sa desk namin dapat ganito ang istorya. Ano gagawin namin?
“Wala kang istorya, wala kang kwentang reporter. So, talagang hinanap namin ‘yung Abu Sayyaf, hinanap namin ‘yung kumidnap, dumating kami sa Patikul, Sulu ‘yun na nasalubong namin.
“Noong sinalubong kami, sinaktan ako, sinipa-sipa ako, ‘di na kami pinauwi. Akala ko pupugutan na ako ng ulo, sumulat na ako sa mother ko na salamat sa lahat sa pagpapalaki sa akin. Kumain kami ng cassava, dilis, ‘yun ‘yung araw-araw naming pagkain,” kuwento niya.
Sa tulong daw ng kanilang estratehiya at sa tulong ng Diyos, napalaya sila ng Abu Sayyaf.
“Sa estratehiya namin, sino mag-co-cover kung mare-release ito? Sinabihan ko ‘yung Abu Sayyaf, sino mag-co-cover nito kung i-release ‘yung Amerikano, eh sayang naman ‘tong ano n’yo eh di’ba gusto n’yo ma-televise? So ‘yun nag-ka ideya sila, sige i-release na natin ‘tong mga ito para ma-cover nga tayo. Sa awa ng Diyos na-release po tayo,” pahayag niya.
Ang “Ang Misyon: A Marawi Siege Story” ay kinunan sa mga piling lugar ng Quiapo Zambales at iba pang lugar.
“We started our preparation last year. We would really want na doon kami sa Marawi mag-shoot. Pero napaka-istrikto ng military, so hindi talaga puwede. Baka isipin ng mga military at rebelde, battleground siya. So sabi ko, bigyan na lang natin ng magandang diskarte. We shot in Quiapo, sa provinces ng Zambales, dinesign namin talaga iyong Lanao del Sur , ganoong iyong hitsura,” pagbabahagi niya.
Natutuwa rin siya nang malaman ang magagandang feedbacks ng mga Muslim nang isapelikula nila ang tungkol sa kuwento ng Marawi siege.
“Napakaganda ng pagtanggap sa amin ng mga Muslim. Noong malaman nilang nagsho-shoot kami ng movie tungkol sa Marawi, natuwa sila kasi sabi nila maganda siya para malaman naman ng sambayanan na hindi nagkakanlong ng terorismo ang mga Muslim.
“Ang Islam kasi ay napakagandang relihiyon na hindi dapat pag-isipan nang masama. We love our Muslim brothers and we respect their culture and religion. It’s just that na may mga nangyayaring ganito na extremism at ito ang sinasabi kong dahilan kung bakit nangyayari ang armed conflicts na ganito,” pagtatapos niya.
Ang “Ang Misyon: A Marawi Siege Story” ay isang commemorative movie tungkol sa makasaysayang pangyayari sa Marawi noong nakaraang taon kung saan maraming mga sundalo, rebelde at mga mamamayan ang naging biktima at nagbuwis ng buhay.
Pinagbibidahan ng premyadong actor na si Martin Escudero, kuwento ito ng isang nars na nasadlak sa kaguluhan sa Mindanao at ang koneksyon niya sa extremist Maute group.
Mula sa direksyon ni Ceasar Soriano, kasama rin sa pelikula sina Rez Cortez, Lou Veloso, Jordan Castillo, Tanya Gomez, Darius Razon, Cloyd Robinson, Mia Mendiola, Jack Falcis, Bong Russo, Charberlaine Uy, Al Flores, John Michael Wagnon, Tim Sawyer, China Roces at ang ipinakikilalang si Juan Miguel Soriano.
Palabas na sa mga sinehan.