
“Joyce and I still care for each other.” – Kristoffer Martin
Balik-tambalan ang dating magkarelasyong sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa bagong afternoon series ng GMA 7 na ‘Healing Hearts.’ At pareho naman daw silang hindi nagdalawang isip na tanggapin agad ang nasabing project.
“Actually hindi na naman kailangang pag-isipan ‘yun,” sabi nga ni Kristoffer nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR).
“Ako, hindi naman ako choosy sa project as long as kaya ko siyang gawin kaya go agad. Okay ako kaagad, kasi ang tagal ko ring inantay ‘yun, e.”
Three years din silang naging mag-on ni Joyce. Sino kaya sa kanilang dalawa ang masasabing mas may kailangang i-heal na heart matapos ang kanilang break up?
“Siguro iba ‘yung sa kanya, iba din ‘yung sa akin. Wala naman sigurong parehas na sakit. Kumbaga kung titingnan mo sa ibang perception mababaw lang sa ‘yo pero malalim pala sa kanya. ‘Yung ganoon, hindi pare-parehas?
Ang maganda sa aming dalawa, after noong break up, na-preserved naman ‘yung friendship namin.”
“Actually hindi kami dumating sa point na sumagad ‘yung pagiging broken-hearted. Kasi ‘yung friendship nga hindi nabuwag. Kung paano ‘yung friendship namin before, kung paano kami nag-start… na nag-start ang friendship then nagkaroon ng relationship tapos nag-break. Tapos ganito ulit, friends na ulit kami.”
“Yun nga siguro ang advantage namin. Kahit mag-ex kami, still ay nandiyan pa rin kami para sa isa’t isa.”
Madalas silang nagkakasama ngayon sa taping. Wala pang nari-rekindle?
“Wala pa,” nangiting sagot ng young actor. “Sa amin kasi kumbaga, friends kami ngayon, e. Ang nawala lang is yung commitment namin sa isa’t isa ni Joyce o ‘yung romantic side ng relationship namin. Pero in terms of care or in terms ng pagiging sandalan ng isa’t isa, nandoon pa rin naman. Kumbaga nasa sa amin na lang yung cue kung magkakabalikan. Kasi for sure kahit sa kanya rin, gusto niya kung papasok kami sa relationship ay stable na. Yung wala nang mapapasukang gulo. Wala nang mga complicated na ano, serious na talaga.”
“May mga realizations na kami ngayon. Like tungkol sa mga bagay na hindi namin pinagkakasunduan. May mga ganyang iniisip na kami, mas mature na.
Kasi dati, bata pa e. Bata pa kami nung nag-start ‘yung relationship namin kaya makikita mo ‘yung difference noong before sa ngayon.”
Hindi malayong magkabalikan sila. Ano sa palagay niya?
“We’re open to possibilities naman po. Ayaw naman naming magsabi na tapos na. Kasi mahirap, e. Baka kainin din namin ang sasabihin namin.”
Natutuwa raw si Kristoffer na kahit nung unang napabalita na magtatambal sila ni Joyce sa isang soap ay marami agad daw sa kanilang mga tagahanga ang nakaabang na.
“Supportive sila, e. Ang maganda lang sa KrisJoy fans, hindi sila mapilit na kailangang magbalikan din kami. Supportive sila sa loveteam namin ni Joyce. Pero sa personal life namin o sa mga decisions namin in life, supportive sila at nakakaintindi.”
Swimmer ang role ni Kristoffer sa ‘Healing Hearts.’ May mga eksenang naka-swimming trunks lang siya.
“Mari-relate ko siya sa totoong buhay ko kasi swimmer talaga ako. Nagku-compete ako minsan sa swimming. So yung confidence na mag-trunks kahit ganoon ka-iksi ang suot ko, hindi na ako masyadong nag-adjust.
Yun nga lang, kailangang alagaan yung katawan kasi para kahit papano po e presentable naman pagdating sa TV.”