May 22, 2025
Judy Ann Santos feels happy with the positive feedback of her pregnancy
K3SN3 Latest Articles

Judy Ann Santos feels happy with the positive feedback of her pregnancy

Jun 23, 2015

by Mary Rose G. Antazo

Judy Ann Santos feels happy with the positive feedback of her pregnancy

Kapamilya Star Patrol—Marami ang natuwa nang makitang magkasamang muli sa isang picture ang dating magka-loveteam na sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos. Kuha ang larawan sa backstage ng ASAP 20 last Sunday nang mag-guest ang aktres.

Sa post ni Piolo sa kanyang Facebook at Instagram accounts last June 21 ay hindi nito naitago ang kasiyahan sa muli nilang pagkikita ni Juday.

“So great to see the person that gave me my biggest break in showbiz… I’ll always be indebted to your kindness?. Congrats on another blessing;) Sana makawork kita uli @officialjuday”

piolo pascual

Matatandaang nagsimulang magkasama sa teleseryeng “Esperanza” sina Juday at Piolo noong late 90’s at ang tambalang ito ang isa sa pinaka-popular na loveteam noong mga panahong iyon. Ilan din sa mga blockbuster movies na pinagtamabalan ng dalawa ay ang “Bakit ‘Di Totohanin” (2001), “Till There Was You” (2003), at ang “Don’t Give Up on Us” noong 2006 na pinakahuling proyektong pinagsamahan nila.
Mula noon ay hindi na nasundan ang nasabing pelikula, sa kabila ng hiling ng kanilang mga fans, dahil nagkaroon daw ng samaan ng loob ang dalawa. Nabanggit naman dati ni Juday sa ilang interview niya na open pa rin naman siya sa posibilidad na muli silang magkasama at mangyayari daw iyon at the right time.

Samantala, regarding naman sa teleserye ni Juday na “Someone To Watch Over Me” kung saan ay makakasama niya si Richard Yap na pansamantalang naudlot dahil sa kanyang pagbubuntis, ikinagulat niya ang naging desisyon ng Dreamscape na hihintayin siya at sa kanya pa rin ibigay ang proyekto.

“Ibang klaseng blessing talaga na may naipundar kang magandang pundasyon sa mga taong katrabaho mo. Sa totoo lang, I was really surprised with the announcement of Dreamscape when Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN business unit head] actually told me kung ano’ng desisyon ng Dreamscape.”

“The last time I talked to them about my pregnancy, I was willing to let go of the project and give it to another actress. Kasi sabi ko, it’s gonna be unfair naman for the rest of the cast na magpapahintay ako,” kuwento pa ng pregnant mommy na si Juday.
Naging emotional nga si Juday sa naging desisyon ng Dreamscape.

“I really love the project, pero siyempre ayoko naman maging unprofessional dun sa thought na maging sakim ako sa idea na, ‘Hindi, akin lang dapat ito.’ So, with the last talk I had with Sir Deo, yes, I’m okay na mag-change ng leading lady. Ako na lang ang mag-explain sa ibang cast members. Then the other day [June 17], they issued an announcement that they will be waiting for my comeback.”

“Sobra akong… halos naiyak ako, na-touch ako dun sa thought na ang dami palang tao na puwedeng maghintay sa akin.”
Sa huli, nagpasalamat si Judy Ann sa positibong feedback na nakuha niya mula sa mga ka-trabaho sa gitna ng kanyang pagdadalantao.
“Actually, some of my endorsements are excited for the coming of our baby. Some of them nagbigay din sa amin ng abiso na, ‘Sige, maghihintay kami.

“And we’re really grateful na people are waiting for me na makabalik [sa trabaho],”masayang kuwento pa ng misis ni Ryan Agoncillo at mommy nina Yohan at Lucho.

[divider]

Claudine Barretto and Raymart Santiago together for daughter Sabina’s 11th birthday

claudine

Kapuso Chika Minute—Para sa mga anak ay gagawin nina Raymart Santiago at Claudine Barretto maging civil ang kanilang relasyon kahit pa nga may mga kaso silang kinakaharap kaugnay ng kanilang marriage. Recently nga ay isinantabi muna ang alitan para ipagdiwang ang 11th birthday ng kanilang panganay at unica hija na si Sabina tast June 19.

Ayon kay Claudine, civil ang relationship nila ng dating asawa at aminado siyang nag-uusap na silang muli para sa mga anak nilang sina Sabina at Santino.

Nais daw nila na maging mabuting mga magulang sa dalawa nilang anak sa kabila ng paghihiwalay nila bilang mag-asawa.
Ang gandang tingnan na buo ang kanilang pamilya kasama ang bunso na si Santino sa birthday treat ni Sabina sa kanyang mga kaklase.
Nakakuha nga ng maraming ‘Likes’ ang post ni Claudine na kuha nilang apat.

“Happy 11th Birthday to our Princess Angel. You have brought too much joy to our family. We thank God for you every single day. We love you so much! We will always be here for you.”

Mayroon ding ibinigay na cake ang dating mag-asawa na may mensaheng “Happy 11th birthday Sabina. Love Mama, Papa, and Saint.”
Samantala, nag-post naman ng video messages si Raymart para sa kaarawan ng kanyang anak. Sa isang Instagram post kung saan makikitang kinakantahan ng “Happy Birthday” song si Sabina bago siya mag-birthday wish, sinabi niya sa anak na, “Happy birthday my Sabina. I love you.”

Ipinakita naman ng aktor sa isa pang video post ang large pizza na na-order nila para kay Sabina at sa mga bisita nito. Cute na cute na ngumiti ang dalawang anak ni Raymart habang kinukunan niya ito ng video, at bakas na bakas sa kanila ang pag-e-enjoy sa naturang birthday celebration.

Sa kabila ng mga kasong kinahaharap nila matapos ang naganap na hiwalayan, kapansin-pansin sa social media ang madalas na pagsasamang muli nina Claudine at Raymart para sa iba’t ibang activities na kanilang mga anak.

Nitong Marso lamang, nagkaroon sila ng reunion nang magkakasamang nagpunta sa fun run na inorganisa ng Multiple Intelligence International School (MIIS) kung saan nag-aaral si Sabina.

[divider]

Mariel is living her dream as Robin’s wife

robinKapatid Showbiz Konek- Aminado ang Kapatid star na si Mariel Rodriguez na nalampasan na raw nila ng asawang si Robin Padilla ang issue ng selosan. Hindi na nga raw niya matandaan kung kailan pa siya huling nagselos. Going strong daw ang kanilang samahan at mukhang confident na siya sa kanilang pagsasama.

“Alam ninyo, hindi maganda yung word na ‘confident.’ It’s more on you’re at ease, you’re secured. Parang ‘yung confident is too boastful,” sabi ng isa sa host ng “Happy Wife, Happy Life” ng Kapatid network na si Mariel.

Samantala, regarding sa religion ni Mariel naitanong ng press sa kanya kung nahikayat na ba siya ng kanyang mister na maging Muslim?
“Alam niyo, sa totoo lang, naniniwala na ako… Ano na ako sa kanila, naiintindihan ko, gets na gets ko. Kasi with Robin, nae-explain niya sa akin how beautiful Islam and it’s really beautiful.”

“Ako lang, sinasabi ko, why I can’t commit to it. Kasi, gusto ko kapag in-embrace ko siya, magagawa ko talaga siya ng 100 percent.
“Makakapagbihis ako nang naka-hijab ako, na nirerespeto ko yung religion. Kasi, habang ginagawa ko ang trabahong ‘to, hindi ko ‘yun magagawa. I’m still a Catholic,” kuwento pa ni Mariel.

Meanwhile, ngayong nag-asawa na rin ang kaibigan niyang si Toni Gonzaga at kung may ibibigay daw siyang advice dito ay ito raw ang kanyang sasabihin.

“Pero kung magbibigay ako ng advice sa kanya, it would be to become a submissive wife. Kasi yun ang ginagawa ng isang asawa at ganoon talaga kapag asawa ka, ang husband ang masusunod.”

One hundred percent nga raw niyang masasabing nagsa-submit siya bilang asawa kay Robin.

“Before akong may gagawing bagay, iisipin ko muna, ‘Okay lang kaya ito kay Robin?’ I don’t have to consult him.

“Iniisip ko agad, ‘How would he react, would it be okay?’ kahit na anong gawin ko.”

Noong wala pa siyang asawa, na-imagine niya ba ang sarili na magiging submissive wife siya?
“Yun ang dream ko, e, maging housewife talaga,” pahayag pa ni Mariel.

Leave a comment

Leave a Reply