
Julia Banda’s unheard journey and her wish to deaf, mute parents
Na-meet namin sa isang intimate presscon si Julia Banda, ang four-time gold medalist sa 2014 World Championship of Performing Arts (WCOPA).
Winner siya ng gold sa Pop, Rock, Gospel at Open category. At nanalo rin siya ng silver sa Broadway category. Ang mga nakalaban niya ay nanggaling mula sa mahigit na 40 countries.
Ang nagsisilbing inspirasyon sa buhay nI Julia ay ang mga magulang niyang deaf and mute. Dito siya humuhugot ng lakas para galingan niya sa lahat ng singing contest na sinasalihan niya. Bagamat deaf and mute ang mga magulang, ay hindi ‘yun namana ni Julia at ng kanyang tatlo pang mga kapatid. Lumaki silang normal na walang kapansanan.
Aminado si Julia, mahirap magkaroon ng mga magulang na deaf and mute.
“Yung struggle po talaga is yung communication po. Madalas mahirap ipaalam sa kanila kung ano ‘yung gusto ko talagang sabihin lalo na nung hindi pa ako masyadong marunong mag-sign language,” paliwanag ni Julia.
Ang mga tiyahin ni Julia na supportive sa kanyang singing career ang siyang umaalalay sa kanya para magkaintindihan sila ng kanyang mga magulang.
“Since sila ‘yung marunong, sila ‘yung nagre-relay ng message or tinuturuan nila ako para makausap ko ang parents ko nang mas maayos.”
Humihingi ng himala si Julia sa nasa Itaas na makarinig ang kanyang mga magulang para marinig ng mga ito ang kanyang kanta.
“Gustung-gusto ko po na marinig nila ako kung paano ba ako kumanta. Lalo na po pag may mga show ako o talagang malaking events. I wish na naririnig nila ako.
“Like noong laban ko sa WCOPA, siyempre, very important sa akin ‘yon kasi laban ko ‘yon, eh, at sana narinig nila. Pero ganun po talaga, eh. Pero sabi ko nga, okey na po yung presence nila.”
Ganunman, tanggap naman ni Julia ang ang mga pangyayari.
“Accepted ko na rin po. At saka, if ganito talaga yung binigay sa akin ni Lord, then tinatanggap ko po siya. Ang importante po kasi sa akin is they’re always there to support me.
“Na nanonood sila ng shows ko kahit na hindi nila naririnig. At times, aminado po ako, talagang nalulungkot ako, pero mas natatalo po ng happiness na palagi silang nandiyan.”