
Julia Baretto snubs father Dennis Padilla in a Christmas party
by Rommel Placente
Totoo pala ‘yung napabalita na nang magkita ang mag-amang Dennis Padilla at Juilia Barretto sa Christmas party ng Dream Scape, ang drama unit ni Deo Endrinal sa ABS-CBN, na ginanap nung December 14 ng nakaraang taon ay inisnab o hindi pinansin ni Julia ang kanyang ama. Si Dennis mismo ang nagkumpirma nito sa isang interview sa kanya. Two tables away lang daw sa kinauupuan niya ang table ni Julia pero hindi man lang nga raw siya nito nagawang lapitan para batiin o magbigay galang. Sobra nga raw siyang nasaktan sa ginawang pang-isnab sa kanya ng kanyang panganay na anak kay Marjorie Barretto. Ganunman, inunawa na lang daw niya ito bilang nakakatanda at magulang ni Julia. Siguro raw ay may dahilan ito na hindi niya lang alam, para matiis na hindi siya nito batiin man lang.
Dahil sa ginawang pag-isnab sa kanya ng anak, gusto na nga raw sana ni Dennis na umuwi at hindi na lang tapusin ang party. Kaya lang ay pinigilan daw siya ni Coco Martin at talent manager na si Angge na ka-table niya kaya hindi na nga raw siya umalis.
______________________________________________________________________________________________________
Ayon kay Sheryl Cruz, kung may offer daw sa kanya na isang proyekto na pagsasamahan nila ng dating ka-loveteam at karelasyon na si Romncik Sarmenta ay tatanggapin daw niya ito. Okey na raw naman sila ni Romncik. In fact, nagkasama na nga raw sila noon sa isang segment ng musical variety show ng GMA 7 na Sunday All Stars. At alam daw niya na nandiyan pa rin ang fans ng loveteam nila ni Romnick na magiging masaya kung makikita ulit sila together in one project.
Sa ngayon ha
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente