
Julia Barretto finds Inigo Pascual an ‘ideal boyfriend’
Julia Barretto finds Inigo Pascual an ‘ideal boyfriend’
KAPAMILYA STAR PATROL – On screen ay ang ganda ng chemistry ng magka-loveteam na sina Julia Barretto at Inigo Pascual. They both look good together plus the fact na pareho silang galing sa angkan ng mga artista kaya naman hindi puwedeng kuwestiyunin ang hilig nila sa pag-arte. Sa latest movie nila na ‘Para sa Hopeless Romantic’ under Star Cinema at Viva Films na kasama ang tambalang James Reid at Nadine Lustre, inaasahang marami ang kikiligin sa tambalang Julia at Inigo.
Aminado si Julia na isa sa pinaka-close niyang guy ngayon si Inigo at pinagkakatiwalaan niya ito. On and off camera, best of friends daw sila at naniniwala siyang malayo pa ang mararating ng kanilang loveteam.
“Dapat may something kayo to make the loveteam work. It’s more of you have to create chemistry or you have to have good friendship. Para pagkatapos ng loveteam ninyo, okay pa rin kayo, at pagbalik ninyo as a loveteam, okay pa rin kayo,” sabi ni Julia sa interview ng Philippine Showbiz Republic (PSR).
Isa raw sa ikinatutuwa niya ay ang natural chemistry nila ni Inigo, hindi raw sila ‘yung tipo na pinipilit maging close for the sake of loveteam.
“I always say, when you’re just good friends, it will really show your chemistry onscreen… natural na lang iyon. Sometimes it’s not actually hard,” dagdag pa ng napakagandang si Julia.
And since tungkol sa ‘young love, sweet love’ ang tema ng pelikulang ‘Para sa Hopeless Romantic,’ tinanong ng press si Julia kung ano ang ibinibigay na advice ng kanyang ina na si Marjorie Barretto pagdating sa boys.
“My mama, she doesn’t give me much boy-advice kasi I’m very open to her. She’s just there. She will only give me boy-advice, kapag kinakailangan ko lang. Pero other than that, no.”
Advise pa sa kanyang ng ina, “Pero kailangan, babae ka, dapat alam mo kung ano ang deserve mo kung kailangan. Alam mo na you deserve the best, you deserve to be treated well. You stick to that, you stick to the values, sabi kasi ni Mama, ‘Julia hindi kita pinalaki nang maayos para lang bastus-bastusin. Kailangan respetuhin ka ng lalaki,” pahayag pa ni Julia.
Sa tingin niya ba ay ‘boyfriend material’ si Inigo?
“Honestly, yes. He’s an ideal boyfriend. Kaya naa-appreciate ko talaga that he’s in my life. I can have the person that I can run to.Yung magiging girlfriend niya, magkakaroon ng taong mata-trust, magki-care sa kanya genuinely at aalagaan siya, mapupuntahan anytime. Kung ganito siya as a friend, what more kapag boyfriend na, ‘di ba?”sagot pa ng young actress.
Ano ang pinaka-nagustuhan niya kaya Inigo bilang ka-loveteam?
“Kasi, he makes me feel like it’s okay to be like this towards him. He makes me feel comfortable. He lets me be myself,” pag-amin pa ni Julia.
Rhian Ramos is aware that she might be compared to Marian Rivera
KAPUSO CHIKA MINUTE- Walang issue sa Kapuso actress on being the second choice sa bagong seryeng ‘The Rich Man’s Daughter.’ Napakalaking karangalan daw sa kanya na siya ang napiling kapalit ni Marian Rivera sa proyektong ito.
“I don’t mind at all, I’m very shocked that they even thought of me. And I feel very lucky to be part of the project regardless of how it happened. And I feel even luckier knowing that it belongs to Marian,” sabi ni Rhian sa interview ng Philippine Showbiz Republic (PSR).
Aware rin daw siya na posibleng magkaroon ng comparison sa kanila ni Marian since nakapagsimula na nga itong mag-taping noon para sa ‘The Rich Man’s Daughter’ ngunit kinailangan nga niyang magpahinga dahil sa kanyang pregnancy.
“Medyo natatakot ako sa ganun, yung magkakaroon siya ng comparison, may it be within the show or outside, yung magiging viewers. I know, at the back of their mind, iisipin din nila, ‘Paano kung si Yan (Marian) ang gumawa.’ Alam ko na hindi maiiwasan yung comparison, kasi hindi naman talaga sa akin yung project. Although, I’m scared with that, tanggap ko na kasama siya. Kasi nga hindi naman talaga originally akin ito, it was really hers. I just filled in her shoes.”
“For me to come in at a time when everybody was waiting for this to be her (Marian) first show as a married woman, it’s scary for me. But I’m going to try my best to do it pa rin in my own way. I have large shoes to fill, which I probably won’t be able to. I really just have to do it my way, e,” paliwanag pa ng aktres.
Isang bagay din na nakakapag-inspire sa kanya na pagbutihan ang pagganap sa role niya bilang Jade ay ang positive reaction ng mga fans sa pagkakapili sa kanya to do the role. Marami siyang natatanggap na magandang komento.
Derek Ramsay does not mind playing second choice to Sam Milby
KAPATID SHOWBIZ KONEK- Muli na namang sasaluhin ni Kapatid star na si Derek Ramsay ang isang papel na supposedly ay gagampanan ng Kapamilya actor na si Sam Milby. Nakatakdang gawin nina Derek at Coleen Garcia ang pelikulang ‘Friends with Benefits.’
Matatandaang ang pelikulang ‘English Only, Please’ ay dapat para kay Sam pero tinanggihan nga niya ito at napunta kay Derek na nakasungkit pa ng acting award dahil sa kanyang pagganap para sa Metro Manila Film Festival (MMFF)last year.
Kinumpirma ni Derek ang tungkol sa movie project at walang kaso sa kanyang kung napili siya as second choice dito. “I guess Sam has reasons for not doing the project. I don’t know why. But to be a second choice, it’s fine with me, I’m happy that the project came to me. Kailangan ko na lang buhayin iyon, and that’s where you put in your talent and you bring that character into life,” pahayag ni Derek sa Philippine Showbiz Republic (PSR).
Nang matanong naman kay Derek kung magkakakaroon ba ng sequel ang ‘English Only, Please,’ sabi nito,“I have no idea kasi ang daming ginagawa ng aming brilliant na director. Kailangan pa niyang magsulat ng script.”
‘English Only, Please’s’ director, Dan Villegas, is currently busy with the Piolo Pascual-Sarah Geronimo movie titled ‘The Breakup Playlist.’
“Pahinga muna siguro from the success of ‘English Only, Please.’ When the timing is right siguro. Mas mahirap gumawa ng sequel. It’s very rare when the sequel is better that the first so, we can’t rush it. Let’s have those creative minds work a little longer para they can come up with something new,” pahayag pa ng guwapong actor na si Derek.
Bukod pa sa projects na ito, nakatakda ring gumawa ng movie projects si Derek with Anne Curtis, Kris Aquino and Eugene Domingo. Naghahanda rin daw ang TV5 para sa mini-series ni Derek with Angel Aquino na ‘Bawat Sandali.’