
Julia Barretto and Inigo Pascual’s love team is a dream come true
by PSR News Bureau
H indi alintana nina Julia Barretto at Inigo Pascual kahit sinasabi ng ilan na suporta lang ang love team nila kina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) sa pelikulang ‘Para Sa Hopeless Romantic.’ “No problem at all. First of all, there’s no small role. Second, what’s more important is how well you portray the role that was given to you and the impact on the audience. So it doesn’t matter at all. It’s teamwork. We’re all in one movie,” paliwanag ni Julia sa Philippine Showbiz Republic (PSR).
“Pantay lang ang exposures ng dalawang loveteam sa pelikula namin. I think, it was well distributed dahil napakagaling ng aming manunulat na si Ms. Mel (Del Rosario), bilang scriptwriter inayos niya naman yung bawat karakter,” pagtatanggol naman ng direktor na si Andoy Ranay ng pelikula nilang ‘Para Sa Hopeless Romantic.’
Sa mga hindi nakakaalam, ang tambalang Julia at Inigo ay dating isang pangarap lang. Ito ay pangarap na nagsimula sa isang ideya ni Claudine Barretto na tiyahin ni Julia. Ayon kay Inigo, noong panahong ginagawa ng kanyang ama ang pelikulang ‘Milan’ kung saan katambal nito ang tita Claudine ni Julia, nabanggit ni Claudine na kung mag-aartista si Inigo, nais daw nitong siya ang makapareha ito ng pamangkin. Noong panahon na iyon, hindi pa artista si Inigo, sumasama lamang ito kay Piolo (ama ni Inigo) sa shooting. Nangyrai ito nang mga may sampung taon na ang nakakaraan.
First time naman na nakita ni Julia si Inigo nang magkasabay sila ni Piolo ng contract signing sa ABS-CBN. Hindi pa rin noon artista si Inigo. “There we met each other and she wasn’t like what I expected. I mean, sobrang bait niya, we got to exchange numbers and we became friends,” kuwento ni Inigo.
Dagdag pa ni Julia, “Inigo would text me na, ‘Sana maging actor na din ako diyan (Philippines). Kaso my dad won’t allow me.’”
“This tandem is actually ten years in the making, and a dream come true,” sabi pa ni Inigo.
In their latest film, ‘Para Sa Hopeless Romantic,’ Julia and Inigo plays the fictional characters in the novel written by Becca (played by Nadine) after being brokenhearted with Nikko (James).
Karamihan ng ‘kilig parts’ ay nasa kuwento nina Maria (Julia) at Ryan (Inigo). Kaya’t hindi masasabi ng mga maka-‘JulNigo’ fans na dehado sila sa loveteam ng JaDine kung exposure lang sa pelikula nila ang pag-uusapan. In fact, may nakahanda na nga na teleserye para kina Julia Barretto at Inigo Pascual, ito ang ‘And I Love You So,’ kung saan makakasama nila si Miles Ocampo. Isa na naman itong teleserye dapat pakaabangan ng mga tagasubaybay ng tambalang ‘JulNigo.’
Ipapalabas na ang ‘Para Sa Hopeless Romantic’ sa mga sinehan simula May 13.