May 24, 2025
Julia, Joshua find motivation in new Kapamilya serye
Latest Articles

Julia, Joshua find motivation in new Kapamilya serye

Aug 14, 2018

For the first time, ay magbibida ang loveteam nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa bagong teleserye ng ABS-CBN 2 na “Ngayon at Kailanman.” 

Sa nasabing serye, gumaganap si Joshua bilang si Inno mula sa makapangyarihang pamilya ng mga Cortes, at si Julia naman bilang si Eva na laki sa hirap.

Bagama’t hindi magkakasundo sa simula, hindi nila maitatanggi ang mamumuong pagmamahal nila para sa isa’t-isa.

Sa presscon ng “Ngayon at Kailanman” nung Lunes, sinabi ni Julia, na matagal daw niyang hinintay ang pagkakataon na magtambal sila ni Joshua sa teleserye. Kaya sobrang grateful daw siya na nangyari ito.

“Of course, pressure comes from within, pero siguro right now kasi, mas gusto ko na lang siyang gawing biggest motivator ko to really do good sa ipinapagawa sa akin. Na di ko ma-disappoint ‘yung network, ‘yung creatives namin,” pahayag ni Julia.

fb_img_1534258754929

Patuloy niya, “I think more than anything, I’m just so, so, grateful. I think more than being pressured, more than feeling nervous, I’m so grateful because kaytagal kong hinintay ang panahong ‘to, kaytagal kong hinintay ‘yung moment na ‘to and God has been so amazing.

“So mas nagpapasalamat ako and gusto ko lang talagang mag-focus at pagbutihan na lang ‘yung trabaho para ma-proud naman po ‘yung mga nagtitiwala sa amin ni Joshua.”

Umagree naman si Joshua sa sinabing ito ng girlfriend. Totoo raw na kahit pressured sila ay ginagawa na lang nilang motivation ang serye para pagbutihan ang kanilang trabaho para sa kanilang mga fans.

“And more than anything, masaya kami. Sobrang blessed namin,” sabi pa ni Joshua.

fb_img_1534258771365

Samantala, sinagot ng JoshLia ang isyu sa kanila na PDA (public display of affection), since marami na nga ang nakapupuna na tumutodo na sila sa pagpapakita ng sweetness at pagpapakilig sa mga tagahanga nila.

Sabi ni Joshua tungkol dito, “Natural na lang na lumalabas ‘yun sa amin. Siyempre, mahal namin ang isa’t-isa. Siguro normal na lang na lumalabas sa amin ‘yung pagki-care, ‘yung pagiging sweet ko sa kanya.”

Ayon naman kay Julia, ngayon lang siya mas naging open sa kanyang nararamdaman.

“I feel like Joshua has really helped me to become more open about may feelings. He’s really opened me up which I think is a good thing.

“Kasi, I think, for the longest time, I was always so scared. I was afraid to really, kasi feeling ko, konting kibot ko, parating may nasasabi rati ang mga tao. Pero now, I just learned to really trust myself and just show them who I really am.”

Tumutok gabi-gabi sa “Ngayon at Kailanman” sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” simula Agosto 20 (Lunes).

Leave a comment