May 23, 2025
Julia Montes clarifies network transfer issue
Latest Articles

Julia Montes clarifies network transfer issue

Jan 31, 2017

Kambal ang ginagampanan ni Julia Montes sa top-rating series ng ABS-CBN na Doble Kara bilang si Kara at Sara.

Ayon sa kanya, nang makausap namin siya sa finale presscon ng seryeng pinagbibidahan niya, mas challenging daw para sa kanya ang role niya bilang si Sarah.

Katwiran niya,” Kasi si Sarah, ang dami-dami po niyang pinagdaanan from the start na parang hindi naman sa nagdya-judge po, pero parang ang dating agad e may masama siyang ginagawa, may masama siyang iniisip. Kahit na yung point naman po na yun, hindi naman ganun pero napupunta lang dun. Yun po.  Napaka-colorful ng buhay at journey ni Sarah.”

Noong unang i-offer kay Julia ang Doble Kara at nalaman niya na kambal ang magiging role niya rito, ay kinabahan daw siya. Hindi raw kasi niya alam kung paano ang gagawin niyang portrayal bilang isang kambal.

Sabi niya, “Pero thankful po ako sa mga director namin kasi from the very start, nung nag-workshop kami, talagang inilatag nila sa akin kung paanong ipaintindi yung character ng Kara at yung Sara, kung paano silang magkaiba, pero magkapareho pa rin at the same time. And sa mga writer na ang klano-klaro po nilang magsulat dun sa kambal, kung ano talaga yung journey pareho, kung paano mag-iisip yung kambal po.” 

Dahil consistent na mataas ang nakukuhang rating ng Doble Kara at ito ang nangungunang daytime drama sa telebisyon, kaya binigyan ng title si Julia na Daytime Drama Queen. Hindi raw ini-expect ng aktres na ibibigay sa kanya ang titulong yun.

“Nakaka-pressure po na ibinigay sa akin yun. Pero para sa akin po, napaka-blessed ko lang na sa mga kasabayan ko, nabibigyan ako ng ganitong trabaho,  napapakagtiwalaan ako ng Dreamscape, especially ni Sir Deo (Endrinal-Business Unit head ng Dreamscape) from the very start, na nagtiwala kung ano po yung kaya kong ibigay, kung ano yung kaya kong gawin po” 

Samantala, nilinaw ni Julia na walang katotohanan ang napapabalita na lilipat na siya sa GMA 7, na kalabang istasyon ng ABS-CBN 2.

“Masaya po ako kung nasaan po ako ngayon. At napaka-blessed ko na inaalagaan ako ng ABS-CBN 2, ng Dreamscape nila Sir Deo. So wala pong ganun.”

Leave a comment