May 22, 2025
Julia Montes narrates how her fear has translated to confidence in characterizing a daring role
Latest Articles

Julia Montes narrates how her fear has translated to confidence in characterizing a daring role

Jan 26, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo
julia montes 2A more mature and a little daring Kapamilya young actress Julia Montes ang mapapanood sa latest Star Cinema movie na Halik sa Hangin kung saan ay makakatambal niya sina Gerald Anderson at JC de Vera. Totally different ang character niya dito from her past movies kaya siguradong marami ang magugulat sa role na ginagampanan niya as Mia.
This is a love story with a twist, the movie is about a girl named Mia (Julia), who gets torn by the love of Gio (Gerald) and Alvin (JC). What she discovers in that journey will either save her… or destroy her.

“Halik Sa Hangin” has received a Parental Guidance (PG) rating from the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Inamin ni Julia na noong unang ino-offer sa kanya ang pelikula ay medyo natakot siya dahil mayroon itong love scene na first time niyang gagawin.
“[This is my] most challenging role and I can say daring kasi may mga ginawa po ako dito na hindi ko pa ginawa. ‘Yung love scene namin dito, hindi siya ‘yung tulad nung nagawa ko na before,” sey ng napakagandang si Julia sa guesting nila nina Gerald at JC sa programang The Buzz last Sunday.
Hindi itinatago ni Julia na may pangamba sa kanya ang pelikulang ito.
“Nung first, aminado naman po ako na natakot ako. Meron po kasi akong ugali na kapag may role ako, iniisip ko ako ‘yun. Sa mga part na ‘yun, medyo hirap akong isipin na ako ‘yun,” dagdag pa nito.
Pero nawala ang kanyang kaba nang malaman niyang all-out ang suporta sa kanya ng dalawang leading men niya sa kanya kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang project.
“Kung nagdalawang-isip ba ako? Maswerte ako nung nalaman ko na sila ‘yung makakasama ko. Kinausap po ako ng Star Cinema. Binigay nila ‘yung assurance na aalagaan nila ako. Totoo naman, inalagaan nila ako,” pahayag pa ng dalaga.
Sinabi rin ni Julia na hindi na siya bothered ngayong nakakatanggap na siya ng mga mature roles to think na in real life ay 18 years old pa lamang siya.

julia montes 1

“Before aminado po ako na grabe ang tanda na ng tingin nila sa akin. Pero ngayon tine-take ko po siya as a compliment,” sambit pa nito.
Samantala, sa recent interview naman ni Julia sa programang Tapatan ni Ka Tunying, nabanggit nito ang tungkol sa friendship nila ni Kathryn Bernardo at Coco Martin.
Kahit may kanya-kanya na silang projects ni Kathryn ay nananatili raw ang pagkakaibigan nila.
“Kami yung magbest friend na hindi kailangan everyday mag-usap. Pero pag nagkita kami, as if alam namin bawat detalye sa isa’t isa.”

Matagal na ang pinagsamahan nilang dalawa , from “Going Bulilit,” “Growing Up” and the movie “Way Back Home.” But it was the 2010 remake of “Mara Clara” that turned not only her life 180 degrees, but as well as Kathryn’s.

“Dun kami nagstart. Siyempre, nung nagsisimula kami, hindi namin alam kung after ba ng Goin’ Bulilit, pano na tayo? Pero yun nga, dumating yung opportunity na Mara Clara so talagang totally nabago niya talaga yung buhay namin.”
Malaki rin daw ang utang na loob niya sa magaling na aktor na si Coco Martin dahil sa suporta na ibinigay nito sa una nilang project na magkasama.
“Kasi sa ‘Walang Hanggan,’ 17 ako that time tapos hindi ko talaga alam siyempre kung papano gagalaw, kung paano maging office girl so sabi ko, paano ba ‘to. Nakatutok talaga siya.
 
 

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/ballot9

Leave a comment

Leave a Reply