May 23, 2025
Julia Montes talks about the challenges of doing dual roles in “Doble Kara”
Faces and Places Featured Latest Articles

Julia Montes talks about the challenges of doing dual roles in “Doble Kara”

Aug 19, 2016

Flattered si Julia Montes sa mga magagandang reviews ng kanyang performance bilang kambal na Kara at Sara sa toprating Kapamilya gold TV series na “Doble Kara” ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN.

Napakabigat ng role mo bilang Kara at Sara, was there a time na na-confuse ka sa pagganap mo sa dalawa?

 

“Hindi naman po dahil magkaibang-magkaiba sila, dahil klarong-klaro naman ang pagkakasulat ng kanilang mga characters. Natatakot lang ako noong time na ginagaya ni Sara si Kara dahil baka mamaya obvious na si Sara pa rin siya, pero I’m happy na nalagpasan ko na iyong pagsubok at part na iyon dahil nakabisado ko na sina Kara at Sara pati na iyong kanilang mga nuances”, kuwento ni Julia.

 

Dahil sa tindi ng mga characters na ipino-portray mo, paano mo nagagawa na hindi madala iyong mga karakter mo sa tunay na buhay o kapag off-cam ka?

 

“Masaya kasi kami sa set. Off cam, nagkukuwentuhan kami at doon lumalabas pa rin ang tunay na Julia. Pero pag tinawag na ako sa set at take na, doon na pumapasok ang karakter ko, mapa-Sara man siya o Kara”, paliwanag niya.

 

Doble KaraPag lumalabas ka ng bahay at nakikita ng mga tao o mga fans, ano ang itinatawag nila sa iyo?

 

“Doble Kara ang tawag nila sa akin. Walang Sara o Kara. Natutuwa naman ako dahil ganoon sila ka-connected sa show namin at pati na sa mga characters na ginagampanan ko”, aniya.

 

Kaninong ‘character’ ang mas malapit sa iyo sa tunay na buhay: si Sara o si Kara?

 

“Kung sa karakter at paninindigan, doon ako kay Kara pero paborito ko iyong karakter ni Sara dahil napaka-colorful niya. Actually, hindi naman talaga salbahe si Sara dahil biktima lang siya ng mga pagkakataon. Palaban siya to the point na may ipinaglalaban naman siya”, bulalas niya.

 

Aminado rin si Julia na minsan ay nakapagtaray na rin siya at some point of her life at nag-ala Sara para maipagtanggol ang kanyang mga mahal sa buhay.

 

“Naging Sara na rin po ako noong bago pa ako. Nasa jeep kasi kami noon nang may bumastos sa Mommy ko, so kailangan ko siyang ipagtanggol, kaya pumatol talaga ako. Kahit naman siguro sino, gagawin iyon kapag sangkot na ang kanyang pamilya”, sey niya.

 

doble karaSa kanyang pagganap bilang bida-kontrabida at dual roles sa “Doble Kara”, malaki ang naitulong ng Kapamilya Primetime King na si Coco dahil ito ang nagbigay sa kanya ng advice kung paano bibigyan ng atake ang kanyang mga papel sa naturang teleserye.

Dalawang beses na kasing nakagawa ng dual roles si Coco. Una ay sa teleseryeng “Minsan Lang Kitang Iibigin” kung saan ginampanan nito ang roles nina Xander at Javier del Tierro. Ang ikalawa ay sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang Ador at Cardo.

Hindi man ganoon ka-active ang social life ni Julia dahil sa kanyang kaabalahan sa trabaho, thankful naman siya na nakatagpo siya ng mga bagong kaibigan tulad ng Optimum Star na si Claudine Barretto na itinuturing niyang Ate at close friend dahil napaka-supportive nito sa kanya.

Given the chance, gusto rin niyang makatrabaho ito dahil alam niyang marami siyang matutunan dito.

Leave a comment