
Julian Trono narrates his admiration on Korean discipline and work ethics in perfecting their craft
After ma experience ni Julian Trono ang makapag-perform sa Korea at makasalamuha ang mga Korean artists ay gusto daw nitong makapenetrate sa nasabing bansa at makagawa ng pangalan duon.
Ani Julian ng makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ng mag-guest ito noong Sabado February 21, sa ‘Walang Tulugan with the Mastershowman’, “Siyempre gusto kong maka-penetrate at makilala sa Korea, international kasi yun,
“And bibihira din kasi ang nabibigyan ng magandang experience na katulad ng na experience ko nung nasa Korea ako,
“Ibang-iba dun, grabe ang disiplina nila pagdating sa training at trabaho,
“Tsaka sino ba namang Pinoy ang ayaw na makilala abroad, siyempre lahat ng performers ganun ang goal,
“Kasi makakapagbigay ka ng honor sa country mo kapag sumikat ka sa ibang bansa,
“Pero for me gusto ko both countries sa Korea at sa Pilipinas, kung ano man ang ma-achieve ko sa ibang bansa, babalik at babalik ako sa Pilipinas,
“Puwede din sa buong Asia o sa Europe o sa Amerika, mas maganda yun ha ha ha,
“Siyempre nandyan ka na so let’s hope fot the best, gagawin ko lahat para walang regrets na hindi ko ginalingan, dapat laging 100% performance o sobra pa para mapabilib sila.”
“Sobrang saya, ang dami kong natutunan sa kanila, katulad ng sabi ko ibang iba ang training sa kanila,
“Yung work ethics nila, yung manners nila at disiplina sa trabaho ibang iba talaga,
“Dito kasi sa Philippines meron pang fun, sa kanila kasi more on work, solid yung performance talaga.”
Anong work ethics ang na adopt mo na sa Korea?
“Siguro yung work ethics na walang pahinga-pahinga kapag hindi mo pa napi-perfect yung steps,
“Ganun kasi sila kapag hindi pa nape-perfect yung ginagawa mo, hindi ka titigil, never ending work siya talaga,
“Hihinto at magpapahinga ka lang kapag nakuha at na perfect mo na,”
Nanibago din daw si Julian sa klase ng pagtatrabaho sa Korea.
“Sobra! Kasi mas nasanay ako sa Pilipinas na may pahinga na parang ito lang muna then pahinga after a few hours tsaka itutuloy,
“Sa kanika kasi atleast 4 to 5 hours makuha mo na yung steps, maximum sa kanila yung 7 to 8 hours depende kung gaano mo katagal nakukuha yung kanta at sayaw,
“Kaya naman ‘pag nag-perform naman sila yung nga KPop, grabe naman talaga yung performance nila. Solid na solid, mapapahanga ka talaga.”
At sa hirap na training daw na dinaanan nito ay di niya naisipang mag-give up.
“Hindi naman , kasi once in a life time opportunity na to papalagpasin ko pa ba,
“Naging challenge sa akin yung naging training ko dun, kailangan lumaban kasi sayang naman,
“Kaya naman pinaghusayan ko na lang at ginawa kung ano ang makakaya ko,
“Lagi ko ngang sinasabi sa mga interview ko na kung titingnan mo yung big picture of it, hindi lang naman para sa akin ito,
“Kun’di it’s a door opener para sa mga talent sa Pilipinas, di ba marami tayong pinagmamalaking talent na sobrang gagaling, hindi lang ako marami pa dyan,
“Kumbaga hindi lang sa Korea kung hindi sa buong Asia or sa Europe o Amerika puwedeng makita ang galing ng Pinoy,
“Kailangan nating iparinig sa kanila ang music natin at ipakita ang galing natin,
Wala din daw natagpuang mamahalin sa Korea si Julian.
“Tumingin pero hindi kasi yun ang ipinunta ko sa Korea. It’s more on work, so dun ako nag- focus,
“Hindi naman kasi maganda na ang ipinunta mo dun trabaho, training tapos iba ang gagawin mo di ba?
“Kahit nga there’s a lot of beautiful Korean girls, wala talaga, kaso di priorty eh , work muna,
“It’s my choice na trabaho muna, mas na-e-enjoy ko ang buhay ko na single so dito muna ako,
“Pero hindi ko naman pinipigilan ang puso ko na magmahal, of course at darating yan, pero I’m not in a rush. Ini-enjoy ko lang kung anong meron ako.”
Baka dun na nga daw matagpuan ni Julian ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso.
“Why not? If doon ko ba siya matatagpuan siguro destiny yun,
“Pero as of now, mas gusto ko pa ang non-showbiz. Mapa-Filipina man siya o Korean para hindi pareho yung mundong ginagalawan namin,
“Para sigurado akong akin lang siya ha ha ha.”
Plan to go back to Korea
“Actually pinag-uusapan na kung kelan pero wala pang definite kung kailan talaga,
“Siguro soonest after ng first single ko (Wiki Me), masusundan yan,
Fave Korean Singer
“Si Tae Young ng Big Bang kasi dancer na nurture na lang yung pagkanta niya. Inspiration ko siya.”
Sinusubukan na rin daw nitong pag aralan ang Korean language.
“Medyo complicated, pero sinisubukan kong pag aralan,
“May mga basic words na akong nasasabi pero I need to learn more kasi hindi sila masyadong marunong mag-English,
Korean culture
“Yung culture nila actually complete opposite ng sa atin, pero unti-unti ko siyang nalalaman,
“Like yung sa pagkain, yung mga manners nila, wala silang shake hands eh, ma bow sila eh,
“Kung mababa ang bow mo, mas may respect ka, gusto ko mag research para ‘pag balik ko marami na akong alam,
Korean audience
“Okey naman. I went to Kimpo College dun kami nag-shoot ng video ng song ko,
“Two versions kasi yun. May Korean at may Philippine versions. Ambabait nila. Enjoy akong kasama sila lalo na yung mga girls,
“Ewan ko, kasi sa kanila, parang hindi natural na lalapit ka sa kanila at kakamayan mo at ngingitian mo,
“Kasi sa kanila parang hindi ganun, sobrang malayo kasi yung mga artist nila from the fans, walang beso-beso ,
“Parang inaply ko lang yung ginagawa ng artists sa Pilipinas at natuwa sila kasi iba sa kanila,
“May language barrier kasi hindi nila ako maintindihan at ganun din ako sa kanila, pero through my movements alam kong nagi- gets nila yung gusto kong sabihin,
“Pero advantage din yun sa kanila na hindi nalalapitan yung mga artist kasi mas name-miss nila at mas lalo nilang susuportahan,
“Pero iba kasi sa atin, habang mas napapalapit ka sa mga fans, mas lalo ka nilang susuportahan,
“Kaya mas gusto ko i-apply yun sa kanila baka mas maging effective kasi kakaiba,” pagtatapos ni Julian.
Follow me…