May 23, 2025
Julie Anne San Jose denies being anorexic
Home Page Slider Latest Articles

Julie Anne San Jose denies being anorexic

Jul 23, 2015

gerry@ocampo
By Gerry Ocampo

julie-anne-san-jose2

Ikinagulat ng press people kasama na ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) nang bumulaga si Julie Ann San Jose na sobrang payat. Ang iba ay natakot sa hitsura ng young actress/singer nang rumampa ito sa grand presscon ng afternoon drama series ng GMA 7, ang “Buena Familia.”

Naalarma nga ang ibang press sa sobrang payat ng actress/singer na akala mo ay naging biktima ni Dracula na sinipsip ang laman kaya’t pumayat ang braso, binti at katawan nito ng husto. Mabuti na lang at nandoon pa rin naman ang ganda ng mukha ng aktres at hindi nagbago ang malusog na dibdib nito. Kadalasan kasi kapag nangayayat ang isang tao ay damay rin pati ang lusog ng dibdib ng mga ito.

Mariing itinanggi naman ni Julie Anne na anorexic siya. Wala daw siyang problema sa pagkain. Lalong hindi daw siya nag-take ng Bangkok pills o iba pang gamot na nakakapagpapayat. Ayon pa nga rin kay Julie Anne ay nagdadagdag na raw siya ng timbang ngayon.
“Nag-diet po kasi ako noon una, tapos nagtuloy-tuloy. Tapos yun nga dumami lalo yung work. Napabayaan ko,” paliwanag ni Julie Anne.

Malakas daw kasi siya kung mag-cardio exercises noon na siyang dahilan kaya pumayat at saka kinailangan raw niya talagang mag-reduce para sa ginawa niyang music video na nakunan at natapos na niyang gawin. Kapag kumakain siya ay hindi na raw ganoon kalakas. Di tulad noon na talagang matakaw at malakas siyang kumain. Pero talaga raw sinisikap niya ngayon na magdagdag ng timbang.

unang_pasabog_ng_sunday_all_stars_sa_taong_2015_1420371850Samantala, magkakasama rin sila ni Alden Richards sa magiging kapalit ng Sunday All Stars (SAS) na magtatapos sa katapusan ng July na may titulong “PINASaya.”Okay naman daw sila ngayon ni Alden at nakapag-usap sila nang mag-story conference ang bagong Sunday show na kapalit ng SAS sa GMA 7. Pero inamin ni Julie Anne nagkaroon sila ng awkwardness sa isa`t-isa ni Alden noong una silang muling magkita. Wala raw kinalaman ang isyu sa kanila ni Alden sa pagpapapayat niya.

Sa tanong kung may sama pa ba siya ng loob kay Alden, buong ningning na sinabi ni Julie Anne na walang-wala na raw siyang galit o sama ng loob sa aktor.
Pero nang tanungin kung mahal pa ba niya si Alden?
“Ay! May ganun talagang tanong. Hindi ko po sasagutin, Ha! Ha!Ha!,” tugon ni Julie Anne na talagang ikinagulat ang tanong kung may pagmamahal pa rin siyang nadadama kay Alden.

Anyway, si Jake Vargas ang makakapartner ni Julie Anne sa “Buena Familia” at kasama rin sa cast sina Angelu de Leon, Kylie Padilla, Martin del Rosario, Bobby Andrews, Julian Trono, Tessie Tomas, at Sheryl Cruz.

Leave a comment

Leave a Reply