May 23, 2025
Latest Articles T.V.

Julie Anne San Jose happy with “Sunday Pinasaya” high ratings

Aug 28, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

tumblr_inline_ni2a3mVgNm1qfwc4eNasa ikatlong linggo na ng pag-ere ang Sunday Pinasaya. At natutuwa raw ang isa sa mga host dito na si Julie Anne San Jose na mataas ang ratings na nakukuha ng show.
“We’re happy na maganda ‘yung feedback ng mga tao,” aniya nga nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph)
“This is show is something new. And parang another one to look forward to.
Kasi kakaiba siya sa mga naunang ginawa namin before. It’s not the usual parang musical variety show. Of course meron din kaming mga kantahan, sayawan, at may mga production numbers din kami. Ang pinagkaiba lang is mas maraming skits. Nagti-trend kami at laking pasasalamat namin sa patuloy na pagtutok ng mga viewers.”

Mataas ang rating ng show. Wala na bang pressure para sa kanilang mga hosts nito?

“Meron pa din pong pressure siyempre. Kasi… nag-start lang kami a couple of weeks pa lang, di ba? And siyempre kami naman, gusto rin namin ma-sustain ‘yung magagandang feedback ng mga tao. At saka ‘yung high-ratings. Actually, bonus na lang yung ratings eh. Basta ang importante makapagpasaya kami at makapagbigay ligaya kami sa mga tao every Sunday noon.”

Sa mga skit, hindi naman daw siya nahihirapang makipagsabayan sa pagpapakuwela sa iba pa niyang mga kasama sa Sunday Pinasaya.
“Kasi hindi lang naman ito ‘yung comedy na nagagawa ko. Meron din akong “Pepito Manaloto.” At saka, masayahin din kasi akong tao. So parang normal na lang sakin yung ganun.”

May bagong single si Julie Anne San Jose, ang “Not Impressed” na kari-release pa lang. Ang music video ng nasabing song ay sa San Francisco, USA pa kinunan.

“Medyo urban hip hop ‘yung feel nu’ng song. Doon sa music video nito, makikita na medyo mas dark and medyo mas fierce ‘yung music video.”

May iba pa bang aabangan ang fans sa kanya?
“Upcoming concert hopefully at the end of this year. And more tracks… singles. Out pa rin ang “Tidal Waves” [album niya]. Bukod nga sa kari-release lang ng single kong “Not Impressed.” More music videos to come, perhaps, excited na huling nasabi ni Julie Anne.

Leave a comment

Leave a Reply