May 23, 2025
Kamikazee frontman Jay Contreras turns emotional after the band’s farewell concert
Home Page Slider Latest Articles

Kamikazee frontman Jay Contreras turns emotional after the band’s farewell concert

Dec 11, 2015

by PSR News Bureau

kamikazeeHindi maikakaila na grabe ang naging epekto ng bandang Kamikazee sa buhay ng lead vocalist at frontman nila na si Jay Contreras. Kaya’t hindi na nakapagtataka kung naging emosyonal ito nang gawin nila ang huling concer nila kagabi, December 10, sa Smart Araneta Coliseum dubbed as “Huling Sayaw.” Kung ilarawan nga mismo ni Jay ang nasabing senaryo: “It was bittersweet and brimming with emotions.”

Kinailangan ni Jay na magpahinga at magpaalam sa bandang kanyang minahal ng maraming taon dahil sa kanyang kalusugan at pamilya. “Kailangan kong magpa-opera. May cyst ako sa lalamunan,” malungkot na sabi ni Jay. “At marami akong atraso sa pamilya ko. Aminado ako na dahilan sa pagka-busy ko sa banda, marami akong okasyon sa buhay ng pamilya ko na na-miss ko. Gusto kong makabawi man lang sa kanila.”

Sa mga hindi nakakaalam, asawa ni Jay ang dating child actress na si Sarah Jane Abad na nakababatang kapatid ng aktres na si Kaye Abad. Ikinasal sila Jay at Sarah noong taong 2009 at mayroon silang dalawang anak.

Gaya ng ibang ama, nais din ni Jay na makitang lumaki ang kanyang mga anak. “Gusto ko silang magabayan sa kanilang paglaki. Pag may contest sila na sinasalihan, gusto kong naroon ako para sa kanila.”

huling sayawSa gitna ng farewell concert ng Kamikazee, maraming selfie, yakap at high-fives ang ibinahagi ni Jay sa fans. Ibinuhos na nito ng todo ang kanyang energy dahil hindi nito alam kung kailan muli siyang babalik sa entablado para makapag-perform. Wala ring humpay ang pasasalamat niya sa fans na walang sawang sumubaybay sa kanila bilang grupo at banda simula pa noon. “Hindi ko malilimutan ang araw na ito dahil naramdaman ko na mahal ako ng buong mundo.”

Nakilala ang grupong Kamikazee dahil sa hit song nilang ‘Narda’ na nagluklok sa kanila sa tagumpay. Saan man dalhin si Jay Contreras at ang kanyang mga kabanda ng buhay, tanging ang Diyos lang ang nakakaalam. Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), hangad namin at dalangin ang paggaling ni Jay Contreras mula sa kanyang karamdaman.

Leave a comment

Leave a Reply