
Kanishia Santos joins NET25
Malaki ang potential ng mga kabataang nangangarap magkapuwang sa mundo ng showbiz na ipinakilala sa media at sa madla last Sept. 15 ng NET25 para sa kanilang Star Center Artist Management na pinamumunuan ng aktor/direktor na si Eric Quizon.
Napuno ng tilian at palakpakan ang EVM Convention Center na venue sa naturang event sa husay ng 32 nilang talents na sumabak sa pagsasayaw, pagkanta, at pag-arte.
Sadyang memorable ang event na ito na tinawag na Star Kada: NET25 Star Center Grand Launch lalo na sa 32 na kabataang ito dahil pasado with flying colors, ‘ika nga ang kanilang pagpapakita ng talento rito.
Isa sa kanila si Kanishia Santos, na younger sister ng guwapitong actor-singer na si LA Santos.
Si Kanishia ay nagsimula bilang singer sa Star Pop label at nakatatlong single na, namely, A little Taste of Danger, Never Feel Pretty, at ang sumunod ay ang Breakaway. May EP din siya titled Born to Cry na last year na-release.
Bata pa lang ay hilig na raw ni Kanishia ang maging artista. “Noong bata pa po ako kapag tinatanong ako, ang sagot ko lagi, ‘Gusto kong maging si Darna.’ Gusto ko po talagang maging artista dati pa,” nakangiting sambit niya.
Thankful din siya sa suporta at mga payo ng kanyang Kuya LA.
Pahayag ni Kanishia, “Actually nagpapasalamat ako sa kuya ko dahil lagi niya akong gina-guide. Like kapag may show ako, kapag-aarte ako… ‘Tsaka tinitignan ko po ang mga payo niya sa akin as something to learn about.”
Pagpapatuloy pa niya, “Kinukuwento po sa akin ni Kuya ang mga pinagdaanan niya like sa taping or shooting, na puyatan talaga. Na dapat daw ay mahanap mo ‘yung corner mo, hindi lang sa physical kung saan ka pupuwesto, kundi pati na rin daw sa mental at physical health. Dapat daw na alam mo kung saan ka dapat mag-balance para ang energy mo ay ma-sustain mo at magamit mo sa tamang panahon.”
Ayon pa sa talented na si Kanishia, nag-eenjoy siya sa singing at acting, kaya hindi niya kayang mamili sa dalawa.
Aniya, “Iyon po ang mahirap na tanong sa akin, kaya feeling ko ay pagsasabayin ko po iyong dalawa.”

Ang ibang pang bahagi ng NET25 Star Center artists ay sina Aaron Gonzalez, Jannah Madrid, Nate Reyes, Shira Tweg, Bo Bautista, Rachel Gabreza, David Racelis, Dana Davids, Yvan Castro, Sofi Fermazi, Nicky Gilbert, Ornella Brianna, Shanicka Arganda, Via Lorica, Zach Francisco, Tim Figueroa, Victoria Wood, Miyuki De Leon, Juan Atienza, John Heindrick, Marco Ramos, Gia Gonzales, Jam Aquino, Crissie Mathay, Gera Suarez, Celyn David, Arwen Cruz, Mischka Mathay, Patrick Roxas, Migs Pura, at Drei Arias.
Isasalang sa dalawang unique na shows ang mga kabataang ito, ang Star Kada: The Road to Kada 25 na isang daily afternoon reality show at Kada 25, na isang musical, light drama series naman na mapapanood early next year.